31/10/2024
Taon-taon, ipinagdiriwang ito ng maraming tao lalo na sa Pilipinas tuwing Oktubre 31. Pero ang pinagmulan at mga tradisyon nito ay hindi batay sa itinuturo ng Bibliya.
Oo. Para sa iba, katuwaan lang ang Halloween at walang masama dito. Pero ang mga ginagawa sa okasyong ito ay labag sa itinuturo ng Bibliya. Nagmula ang Halloween sa mga maling turo tungkol sa mga patay at di-nakikitang espiritu, o mga demonyo.
Ang Halloween ay nagmula sa โsinaunang kapistahan ng mga pagano na ipinagdiriwang ng mga Celtic sa Ireland mahigit 2,000 taon na ang nakalilipas,
โNaniniwala ang mga Celt na sa panahong ito, puwedeng makahalubilo ng mga patay ang mga buhรกy. Sa panahon ng Samhain, kapag dumalaw ang mga buhรกy, puwedeng may kasama silang patay.โ
Nagsusuot ng nakakatakot na mga costume ang ilang Celt dahil naniniwala na kapag nakita sila ng mga gumagalang espiritu โmapagkamalan silang kagaya ng mga itoโ at hindi sila guluhin. Ang iba naman ay nag-aalok ng mga kendi sa mga espiritu para hindi magalit ang mga ito
Ang pagdiriwang ng Halloween ay hindi kalooban ng Diyos ,maaring nagbibigay ito sa mga tao ng kasiyahan pero hindi nasisiyahan ang Diyos..
Ang pagsusuot ng mga nakakatakot na mga costume tulad ng bampira,aswang multo,mangkukulam at iba pang nakakatakot ay hindi lumuluwalhati sa Diyos..
Ang Diyos ay hindi nagtataguyod ng kamatayan, kadiliman, at okulto.
Ang pagdiriwang nito ay nagbubukas pa ng pinto sa demonyong na pumasok sa iyong buhay.
Kahit gaano ka-inosente ang mundo, ang katotohanan ay may mga espiritung kumikilos sa likod ng lahat.
Kung gusto ng mga tao na mapasaya ang Diyos, dapat nilang iwasan ang kahit anong may koneksiyon sa mga demonyo.
1 Corinto 10:20-22
20 Hindi! Ang ibig kong sabihin, ang mga pagano ay nag-aalay ng kanilang handog sa mga demonyo, at hindi sa Diyos. Ayaw kong maging kaisa kayo ng mga demonyo. 21 Hindi kayo makakainom sa kopa ng Panginoon at gayundin sa kopa ng mga demonyo. Hindi kayo maaaring makisalo sa hapag ng Panginoon at makisalo.