13/07/2023
LOOK: Sun Life Philippines, ipinakilala Asian Popstar Royalty na si Sarah Geronimo bilang kanilang bagong ambassador!
Si Sarah ang forefront sa pinakabagong kampanya ng Sun Life na tinatawag na Partner for Life, kasama ang kanyang asawang si Matteo Guidicelli.
Binibigyang-diin ng kampanya ang kahalagahan ng pagkakaroon ng isang taong tutulong sa atin na maabot ang ating mga layunin sa pinansyal, mabuhay nang mas malusog, at maging best version ng ating sarili.
“We're delighted to welcome Sarah Geronimo as part of the Sun Life family. Her values align with ours and having her as a partner in furthering our advocacies on financial literacy, health and wellness and sustainability is something that we're very excited about,” sabi ni Sun Life Chief Client Experience and Marketing Officer Carla Gonzalez-Chong.
“Sarah’s journey to becoming an empowered woman taking control of her career, businesses, health, finances, and advocacies inspires us. Her eagerness to continuously learn and find support from the people she loves makes her a perfect ally of Sun Life in encouraging more Filipinos to pursue their own version of a brighter life,” dagdag pa niya.
Bilang bahagi ng kampanya, sina Sarah at Matteo ay bida sa isang thematic video na nagpapakita ng pangako ng Sun Life na maging “Partner for Life”. Kasama ng Sun Life, co-created ng mag-asawa ang video na nagpapakita ng kanilang sinseridad habang ipinapakita kung paano nila sinusuportahan ang isa’t isa. Mapapanood ang video sa national television, pati na rin sa sa Facebook, YouTube, at TikTok.
Si Sarah rin ang boses sa bagong Sun Life jingle na “Kasa-Kasama”—na maririnig sa mga social media platform ng Sun Life at kasalukuyang pinatutugtog sa ilang mga radio stations sa Pilipinas.
Magkakaroon din ng mga digital at on-ground activities ang Sun Life upang palakasin pa ang kampanya at hikayatin ang mas maraming Pilipino na tiyakin ang kinabukasan ng kanilang mga mahal sa buhay.
“I’m happy and thankful to be part of the Sun Life family,” ani Sarah.
Bukod kina Sarah at Matteo, kasama rin ng Sun Life ang mga Kapamilya heartthrobs na sina Piolo Pascual at Donny Pangilinan bilang kanilang ambassadors.