25/09/2026
-IMG
Noong college ako, simple lang ang pangarap ko: makapagtapos, magkaroon ng magandang trabaho, at makatulong sa pamilya.
Pero noong 3rd year Industrial Engineering student ako, may isang taong nag-introduce sa akin sa financial education.
Sa una, curious lang ako. Pero habang mas marami akong natututunan tungkol sa saving, protection, investing, at financial planning, mas lalo akong nagustuhan ito.
Napaisip ako:
“Bakit ngayon ko lang ito natututunan? Paano naman yung ibang Pilipinong hindi nabigyan ng pagkakataong matuto tungkol dito?”
Doon ko nakita ang purpose.
Kaya habang nag-aaral ako, pinagsabay ko ang pagiging student at financial educator.
Hindi naging madali—may classes, projects, exams, at responsibilities. Pero habang mas marami akong nakakausap, mas nakikita ko kung gaano kahalaga ang financial education.
May mga breadwinner, parents, young professionals, at OFWs na may kanya-kanyang pangarap at responsibilidad. At bawat pamilya, may kailangang paghandaan—emergency, healthcare, education, retirement, at future.
Nang grumaduate ako bilang Industrial Engineer, imbes na mawala ang passion ko, mas lalo itong lumakas.
Doon ko na-realize na ang financial education para sa akin ay hindi lang career.
It became my purpose.
Hindi para magdesisyon para sa ibang tao, kundi para tulungan silang matuto, umintindi, magplano, at gumawa ng informed financial decisions.
Kaya mula noong 2021, patuloy kong ginagawa ang journey na ito.
From Industrial Engineering student to Financial Educator—isang journey na nagsimula sa isang lesson, naging passion, at naging purpose: ang makatulong na mas maraming Pilipino ang maging financially educated.
Learn first. Understand first. Then decide.