30/10/2026
𝐆𝐌𝐁𝐀𝐍𝐊 𝐄𝐌𝐏𝐋𝐎𝐘𝐄𝐄𝐒, 𝐍𝐀𝐊𝐈𝐈𝐒𝐀 𝐒𝐀 𝐁𝐋𝐎𝐎𝐃 𝐃𝐎𝐍𝐀𝐓𝐈𝐎𝐍 𝐃𝐑𝐈𝐕𝐄
𝐒𝐂𝐈𝐄𝐍𝐂𝐄 𝐂𝐈𝐓𝐘 𝐎𝐅 𝐌𝐔Ñ𝐎𝐙, 𝐍𝐔𝐄𝐕𝐀 𝐄𝐂𝐈𝐉𝐀 – Nakiisa ang mga empleyado ng GMBank sa blood donation drive na may temang “Save and Celebrate a Good Life: A Blood Donation Initiative” na isinagawa ngayong Biyernes, Oktubre 30, 2026, sa GMBank Muñoz Branch, T. Delos Santos, Science City of Muñoz, Nueva Ecija.
Sa matagumpay na pagsasagawa ng dalawang bahagi ng Save and Celebrate a Good Life: A Blood Donation Initiative, muling ipinakita ng mga empleyado ng GMBank na ang malasakit ay higit na nagiging makabuluhan kapag isinasabuhay sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos. Sa pakikiisa ng mga empleyado mula sa iba't ibang sangay, naging daan ang inisyatibong ito upang makapagbahagi ng tulong at makibahagi sa isang adhikaing naglalayong makapagligtas ng buhay.
Kabilang sa mga lumahok sa aktibidad sina G. Sandell Ross Delos Santos, Loan Coordinator, na unang beses pa lamang nag-donate ng dugo, at G. John Cayle Bantigue, CI Supervisor, na tatlong taon nang regular na blood donor. Magkaiba man ang kanilang karanasan, pareho silang nagkakaisa sa hangaring makatulong at makapagbigay ng pag-asa sa mga taong nangangailangan.
Ibinahagi ni G. Sandell Ross na bagama't nakaramdam siya ng kaba at takot sa unang pagkakataon, nanaig ang kaniyang kagustuhang makatulong at makasagip ng buhay. Inamin niyang isa sa kaniyang mga pangamba ang sakit na maaaring idulot ng pagtusok ng karayom, ngunit pinalakas niya ang kaniyang loob sa pag-iisip na may ibang taong matutulungan sa pamamagitan nito.
“Natakot ako sa sakit ng turok ng karayom, pero naisip ko na mas mahalaga ang tulong na maibibigay ko sa ibang tao. Napatunayan ko rin na mabilis at ligtas ang proseso. Maliit na sakripisyo lamang ito, ngunit malaki ang maaaring maging epekto sa buhay ng iba,” pahayag ni G. Sandell Ross.
Samantala, ibinahagi ni G. John Cayle na tatlong taon na siyang regular na nagdo-donate ng dugo dahil sa kagustuhang makatulong sa mga nangangailangan. Isa sa mga naging inspirasyon niya ang karanasan ng kaniyang pinsan na nagkasakit sa dugo at nahirapang makahanap ng blood donor.
“Mas mahalagang tumulong kaysa tayo ang tinutulungan. Lahat naman ay nakakaramdam ng takot, pero mas nakakatakot kung may nakikita tayong nangangailangan ngunit wala tayong nagawa o naitulong dahil lamang sa takot na nararamdaman natin,” ani G. John Cayle, na nagbigay-diin din sa kahalagahan ng pagmamahal at pagtutulungan sa bawat isa.
Sa pamamagitan ng Save and Celebrate a Good Life: A Blood Donation Initiative, muling pinatutunayan ng GMBank na ang paglilingkod ay hindi lamang nasusukat sa pagbibigay ng serbisyong pinansyal, kundi maging sa aktibong pakikilahok sa mga gawaing nagtataguyod ng kalusugan at kapakanan ng GOOD Community.
Sa pagtatapos ng inisyatibong ito sa Muñoz Branch, bitbit ng GMBank ang isang mahalagang paalala: ang bawat patak ng dugong ibinabahagi ay maaaring maging pag-asa sa isang taong nangangailangan. Higit pa sa dalawang aktibidad, ang naging tagumpay nito ay nasasalamin sa pagkakaisa, pagkukusa, at malasakit ng bawat empleyadong nakiisa para sa kapakanan ng kapwa at ng GOOD Community.
GMBank is regulated by the Bangko Sentral ng Pilipinas. https://www.bsp.gov.ph
Hit the message button for more information 📩
------------------------------------------------------
Want to get the latest updates regarding the GOOD news GMBank™ has?
Be updated through our social media accounts Facebook and LinkedIn
Or reach us through the following:
✉️ GMBank Corporate Office, Maharlika Highway, Cabanatuan City, Nueva Ecija 3100
📧 [email protected]
📞 (044) 940-6000
🌐 gmbank.com.ph
GMBank | The Good Money Bank™