06/07/2024
CUM LAUDE PERO TUMAMBAY NG 5 YEARS
Yes, pressure is real. Lalo na kung galing sa family mo mismo. Icocompare ka sa ibang kakilala nila, imbis na tulungan ka. Mamadaliin ka para makatulong ka na sa pamilya mo. Lagi kang pagagalitan kesyo tamad ka daw. Hahahaha.
Pero take it easy. Natural yan sating mga pinoy. Baka pagtanda mo gawin mo din yan sa anak o pamangkin mo. Wahaha. Malay natin di ba? Baka bigla kang tubuan ng sungay. Wahahaha.
So ayun, tambay akong 5 years. Tambay na may pangarap sa buhay. Nag-apply sa napakaraming trabaho tapos nareject. Nag labor sa construction, nag pintura ng mga bahay, tumugtog sa kasal at patay.
Sa sobrang tagal kong nakakasalamuha yung mga tao sa punerarya, sabi nila sakin, "brad, arkilahin ka namin na taga tugtog sa patay kasi swerte ka. Pag ikaw tumutugtog sa patay madaming namamatay kinabukasan". Wahahahaha ewan ko ba, kung coincidence lang pero totoo talaga.
Lahat ng pressure at pagkumpara natiis ko. Cum laude ka tapos tambay. Sayang pinag-aralan. Nakapasa sa licensure exam tapos nagcoconstruction. Minsan naiinis ako sa sarili ko. Estoy sadboi era malala. Wahahaha.
Nasurvive ko yun lahat. Maliban sa isa. Namatay ang Mama ko ni hindi ko man lang natupad ang pangako ko sa kanya na pag nagkatrabaho ako ipaparanas ko sa kanya yung ginhawa na di namin naranasan. Pero ayun, binawi sya ni Lord samin ni wala ako ni singko para maipagamot sya. Inutang ko pa pamasahe ko papunta sa ospital, tapos kinulang pa kaya tinakbo ko na lang. Pero di ko na naabutan.
Yun ang pinakamalaking frustration ko sa buhay. Hahahaha.
Pinakasalan ko ang asawa ko, wala akong trabaho. Eh ayaw nya naman magpakasal sa seaman tapos sa sundalo kaya ako parin pinili nya. Wise move? Syempre naman. Charot hahaha.
Tinulungan ako ng asawa ko para makapasok sa trabaho. Nag part time instructor ako sa private college. Nagtyaga sa maliit na sahod. Nabaon sa utang. Pero di ko sinayang ang mga oportunidad na binigay sakin.
At sa wakas, after 5 years habang naglalaro ng ML may nag text. Pasok na sa DepEd. Hahaha.
Pero di natapos ang pressure dun. May mga tao na nagsasabing may backer ako, o may hinokus pokus sa Division Office. Wahahaha. Ni wala nga akong kakilala dun eh. Pero di ko na lang pinapansin. May sahod na ako. Hehehehe.
May mga kaklase akong nasa Government na. May pulis, may BJMP, may mga teacher na din. Yung iba nasa BPO, yung iba JO sa iba-ibang Government Agencies, may nagtatrabaho sa fastfood chains, sa motortrade, sa munisipyo, sa private schools, at yung iba may business.
Di ko sa kanila niyayabang ang mga achievements ko. Instead, tinuturuan ko sila ng mga dikarte para makapasok na rin. Tinutulungan ko sila na maitaas, di ako nanghihila pababa; kahit na yung asawa ko lang yung tumulong sakin, wala naman silang ambag. Hahahaha.
Be patient guys. Pero wag puro hintay. Sabayan ng kilos at utak ang mga gagawin. Wag tatamad-tamad. Mag-ipon. Wag sumuko. Makinig sa mga boses na makakatulong, pak u sa mga hindi. Wahahahaha.
Wag magpaapekto. Sabi nga ng isang poging philosopher, kung kaya ng iba, kastahi ninda! Pokus lang sa goals. Keep hustling!
—Estoy