20/08/2025
August 20, nagising kami na parang normal lang. Kumain kami ng breakfast sa labas as usual. Tatlo lang kami sa bahay that day. Ako (G-Anne), si Ate Joy at Inay. Pumasok pa si Ate Joy sa office, parang ordinaryong araw lang talaga.
Mga bandang 8am, dumating sina Papa, Ate Leah at baby Matti galing sa kabilang bahay. Doon muna sila natulog since birthday celebration ni Matti nung Saturday at doon ginanap. Dapat uuwi sila ng August 18 pa ng gabi, pero hindi natuloy at buti na lang talaga.
Kasi, madaling araw pala ng August 19, around 2am, nawalan ng kuryente. Akala namin simpleng brownout lang, kaya tulog ulit kami. Ang hindi namin alam, nasusunog na pala ang buong kwarto nina Papa which is katabi lang ng sala kung saan natutulog Ako at ang Inay. Sarado ang pinto at lahat ng bintana, kaya wala kaming naramdaman. Walang usok, walang amoy sunog, wala talaga.
Nalaman lang namin nung umuwi sila Papa at binuksan ang pinto. Pagbukas nila, wala nang apoy pero mainit pa ang buong kwarto. Umuusok pa yung sofa at ilang gamit. Nakakagulat kasi sa labas ng kwarto, eh kitchen, CR at sala, walang kahit anong amoy sunog. Buti na lang talaga at saradong-sarado ang kwarto kaya hindi kumalat ang apoy. Kusa nalang namatay ang apoy nang wala kaming kaalam alam.
Lusaw ang k**a, sofa, TV, aircon, electric fan, pati mga laruan ni Matti. Pero eto ang nak**amangha: ligtas ang mga gamit nasa loob ng aluminum cabinets and drawers ng JJGC Trading. Kahit nasunog na halos lahat, protektado pa rin ang mga damit, passports, land titles at iba pang importanteng gamit. Pati CR sa loob ng kwarto, walang damage dahil sa aluminum door. Kung kahoy ang materials ng cabinets at pinto, siguradong wala na lahat.
Weβre beyond grateful for Godβs protection over us. Everyone is safe, and thatβs what matters most. Let this be a reminder to always stay alert and check your homes. Fires can happen when you least expect it.