11/01/2022
5 Tips na Huwag mo dapat Gawin sa Iyong Ipon:
1. IWASAN NA WALA KANG PURPOSE O GOAL SA IYONG IPON.Ang hindi pag kakaroon ng purpose,iyong nag-iipon ka lang dahil narinig mo lang sa kaibigan mo pero wala kang purpose para saan ka nag-iipon.Dahil dyan my chance maubos lang din ang iyong ipon.Kung kaya go to the flow ka nalang.Dapat maging intensyonal ka sa iyong buhay maging focus hanggang makamit mo na iyong target hal.yan ba ay para sa pag reretiro ng maaga 20 years from now at ang goal mo is 4.8M?.
2. IWASAN MONG MAGING STAGNANT ANG IYONG IPON.Alam natin na ang mga mayayaman ay nag-iipon,pero alam mo na ang maturity na kanilang ipon ay di nakalagay sa banko o alkansya?Alam nila na ang INFLATION ang # 1 enemy ng ating pera.Kaya naman merun silang ginagawa para malabanan ito.Ang INFLATION ay ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at pag baba ng purchasing power o halaga ng ating pera.Kung dati ang 1,000 pesos mo ay naka cart pa, ngayon naka plastic na lamang.Walang nagbago sa 1,000 noon at ngaun ang nag-iba ay ang purchasing power nito.Kaya naman iwasan mo ang maging stagnant ng iyong pera at ilagay ito sa mga investment na merong mataas na return higit pa sa inflation rate taon taon.Hal.nag lagay kang 100k sa bank at di mo ito ginalaw sa loob ng isang taon ang ibig sabihin lang yan ay -3% na halaga ng pera mo sa susunod n taon dahil yun sa inflation.Kung inivest mo sa negosyo o sa tamang investment vehicle malaking chance na matalo mo ang inflation rate at nabibigyan ng protection ang iyong pera.Tandaan mo palagi bakit kailangan mo mag-ipon ay para makapag-invest at maka-acquire ng mga assets.
3. IWASAN MO MAGPAUTANG SA MGA TAONG
HINDI MAPAKAKATIWALAAN. Isang pagkakamali ang gawin mo sa iyong ipon ay ang ipahiram ito.Marami ng relasyon ang nasira dahil sa pag kakautang.Di natin hawak ang panahon.Paano kung malaking bahagi ng iyong ipon ay ipinahiram mo? Paano kung bigla kang nawalan ng trabaho?paano na?Di masama ang mag pautang basta magbigay ka lang ng maliit na halaga sa ipon mo para kung di maibalik syo di gaano mabigat at advice ko syo MOVE ON kana agad sa ibang opportunity.Marami kasi pagkakataon at oras ang masasayang kapag nag STAY ka sa mga negatibong sitwasyon.Isipin mo nalang na ang perang di bumalik syo ay tulong mo nalang sa kanya at mag focus ka sa paggawa ng mabubuting desisyon para mas mapapadami ang iyong ipon sa hinaharap.
4. IWASAN ANG MAG-INVEST SA MGA BAGAY NA WALA KANG ALAM. Importante sa pag-iinvest ang pag-aaral o Financial Literacy.Para ang iyong natutunan iyon ang eapply mo sa pag-iinvest.Alam mo ba na ang mga mayayaman ay naglalaan talaga ng 1-2 oras sa Financial Education?at habang nag-aaral sila inaapply na nila ang kanilang natutunan.Pag-aralan mo paano mag-invest sa STOCK MARKET,MUTUAL FUND,REAL ESTATE at NEGOSYO.Pero kung wala kang sapat na kaalaman possible kang malugi.Kaya naman Financial Education is a must.
5. IWASAN MONG GASTUSIN LAHAT NG IYONG IPON. Ito ang madalas ginagawa ng karamihan nag-iipon ngayon para may madudukot kapag may SALE o LATEST GADGET, o pag yaya ng barkada na gala sa labas.Walang masama kung ginagawa mo ito dahil may karanasan kana sa pag-iipon.Pero ang tanong: Nag-iipon ka ba para sa ikabubuti ng iyong kinabukasan, o nag-iipon ka lang para sa short-term na kasiyahan? Okey lang bumili ng SALE,bumili ng bagong gadget basta di nito naapektuhan ang iyong ipon.Kasi baka iyan pa ang naging dahilan kaya di ka nakakapag-ipon.Tandaan dapat alam mo mag classify ng NEEDS vs WANTS.Dapat matuto kang controlin ang iyong sarili.Kasi kaya tayo napapagastos dahil sa ating emotion(impulse buying,over eating,sugal,at bisyo).