31/08/2026
🇵🇭 MALIGAYANG ARAW NG MGA BAYANI! 🇵🇭
Ngayong National Heroes Day, ating bigyang-pugay ang mga bayaning Pilipino na nag-alay ng kanilang buhay, tapang, at serbisyo para sa ating kalayaan at kinabukasan.
Higit sa lahat, ating kilalanin hindi lamang ang mga bayani ng kasaysayan, kundi pati na rin ang mga ordinaryong Pilipinong patuloy na nagsisilbi, nagsusumikap, at tumutulong sa kapwa at sa ating bayan.
Bilang isang institusyong naglilingkod sa komunidad, patuloy kaming naninindigan sa pagbibigay-serbisyo, pagtulong sa kabuhayan, at pagbuo ng mas matatag na kinabukasan para sa bawat Pilipino.
Saludo kami sa lahat ng bayaning Pilipino! 🇵🇭