13/04/2026
May kilala ka rin bang Financial advisors na ang kulit-kulit?
⸻
Yung tipong kakamessage mo lang kahapon…
tapos today may follow-up ulit.
“Hi sir, just checking…”
“Good morning po, update lang…”
“Last na po talaga ‘to 😅”
Parang… hindi napapagod?
⸻
Minsan naiirita ka na.
Minsan gusto mo nang i-seen lang.
Minsan iniisip mo”Ang kulit naman nito.”
Pero what you don’t see is this:
- Wala silang fixed na sahod.
- Wala silang siguradong kita every month.
- Kada message nila… may halong kaba.
Kasi pwedeng: seen lang.
pwedeng wala talagang sagot.
Pwedeng rejected ulit
Hindi mo lang napapansin.
Kasi hindi sila nangungulit lang…
Nagtatrabaho sila.
⸻
Every follow-up is not just “pangungulit.”
It’s discipline.
It’s courage.
It’s choosing to show up kahit ilang beses nang nareject.
At eto pa
- Hindi lang sila nagbebenta.
- Nagbebenta sila ng bagay na pinaniniwalaan nilang makakatulong sa’yo.
Kasi kung hindi sila naniniwala doon…
hindi nila kakayaning gawin ‘to araw-araw.
⸻
Kaya next time may mag-follow up sa’yo..
Hindi mo naman kailangan bumili agad.kaya nga nanddyan sila to educate you.
Pero kahit paano… replyan mo lang with respect
Yes, no, maybe next time.
Kasi for them, hindi lang ‘yan message.
Kabuhayan nila ‘yan. At araw-araw… sila yung kumakain ng rejection para sa pangarap.
They just doing their Novel Job or pwedeng tawaging mission. Kaya kung kumikita man sila ng malaki sa sales pinaghihirapan nila un.