19/05/2026
Pinapabasura ng Office of the Solicitor General (OSG) sa Supreme Court ang petisyon na inihain ng kampo ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez na naglalayong obligahin si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sumailalim sa hair follicle drug test at iba pang physical and mental examination.
Sa komento ng OSG, iginiit nito na walang sapat na legal o konstitusyunal na batayan ang petisyon upang pilitin ang Pangulo na sumailalim sa anumang medical examination at ilantad ang resulta nito sa publiko.
Binigyang-diin din ng OSG na maaaring labagin ng naturang hiling ang prinsipyo ng presidential immunity, kung saan protektado ang nakaupong Pangulo laban sa mga kasong legal habang nasa tungkulin.
Kung maalala, inihain ang petisyon sa Korte Suprema, na humihiling ng writ of mandamus upang utusan ang Pangulo na sumunod sa naturang pagsusuri. | via Inno Flores