26/02/2026
For awareness
❗️PUBLIC ADVISORY: HINDI LAHAT NG UTANG WALANG KASO.❗️
MAY ESTAFA.
Marami ang may maling akala na “Wala namang nakukulong sa utang.”
Tama kung simpleng utang lang at sumusunod ka sa usapan.
Pero kapag:
May nakuha kang gamit o pera
May pinirmahan kang kasunduan
Puro pangako ka pero wala kang intensyong magbayad
Nagpapaligoy-ligoy ka at ginagamit mo ang “wala namang nakukulong sa utang” para umiwas
Hindi na utang ang usapan.
ESTAFA na. (Art. 315 Revised Penal Code)
ESTAFA ang kaso kapag:
• Kinuha mo ang item o pera kahit alam mong di mo kayang bayaran
• Gumamit ka ng panlilinlang, dahilan, o palusot para makuha ang bagay
• Sinadya mong hindi tuparin ang pinagkasunduan
• Kinuha mo ang produkto/services at tinatago o iniiwasan ang nagpa-utang
At oo, KASO ’YAN.
Hindi kailangan malaki.
Hindi kailangan milyon.
Ang basehan ay panlilinlang at paglabag sa agreement.
Paalala sa lahat ng nangungutang:
Kung “utang” ang hiningi mo, obligasyon mong tuparin.
Kapag hindi ka nagbabayad at niloloko mo pa ang pinagkakautangan mo,
krimen na ang tinatakbuhan mo, hindi “utang lang.”
Negosyo usapan dito. Di ko hahayaang mag saya kayo sa perang hiniram nyo sakin habang pinapahirapan nyo ko maningil.
🔻Disclaimer: The photo shown is AI-generated and does not depict a real person or real event.