05/04/2023
Sadly, this is how we were influenced by our mainstream culture. 🥲
‘LEARN TO APPRECIATE SMALL THINGS AND BE CONTENTED’
Viral ngayon sa social media ang kwento na ibinahagi ng netizen na si Dave del Mundo kung saan tampok ang isang ama na pumunta sa kanilang store upang mag-loan ng iPhone unit para sa anak nito.
“Originally, ang gusto ng anak niya is Iphone. May pinakita na siya sa amin na computation at kita sa mukha ni sir na hindi niya kaya ang ganon kalaking halaga. Ang anak ni Sir ay grade 12 student pa lang,” kwento nito sa kaniyang Facebook post.
Ayon kay DK, naawa umano siya dahil bakas sa mukha ng kaniyang customer na hindi nila abot-kaya ang naturang cellphone ngunit gusto pa rin niya ito maibigay sa kaniyang anak.
“Noong tinanong ng kasamahan ko kung bakit ba yung mahal na brand ang gusto ang sabi daw kasi ng anak nila is yung mga kaklase niya ganon din ang cellphone,” dagdag pa nito.
Kwento niya pa, sinubukan pa umano ng lalaki na kumbinsihin ang kaniyang anak na kumuha na lamang ng mas mababang unit ngunit nag-aalala ito dahil baka hindi umano ito magustuhan ng kaniyang anak.
“Hindi ko maisip kung paano ba nagawang humiling ng isang anak sa magulang niya na isang family driver at isang kasambahay ng ganoon kamahal na cellphone. Hindi ko minamaliit ang trabaho nila pero sabi ko nga ang kakayanan ng isang magulang na magprovide sa pamilya ay may hangganan lalo kung simpleng buhay lang ang meron sila,” pahayag pa niya.
Panawagan naman ni DK sa mga anak na nagre-request ng luho sa magulang: “bonus nalang siguro na ireward nila kayo dahil magaling kayo sa school pero sana kung ano lang yung kaya nila iappreciate niyo. Pahalagahan niyo dahil kahit gaano pa kaliit o kamumurahin yan, niregalo nila ng may kasamang pagmamahal.” (Facebook/Dave del Mundo)