15/05/2020
Isang Update mula sa LEHOA
15 May 2020
Dear LNCitizens,
Nais naming magpasalamat sa lahat ng sumuporta sa ating collection campaign upang maisaayos ang pinansyal na kalagayan ng LEHOA.
Dahil sa dedikasyon ng mga residente at ng mga Phase Representatives, ang koleksyon ng LEHOA sa nakalipas na dalawang linggo simula ika-4 ng Mayo hanggang ika-14 ng Mayo ay umabot sa P7.5M. Ang koleksyon na ito ay bumubuo lamang ng 25% sa nakaraang dalawang buwan (March-April) na gastusin ng komunidad para sa ating basic services na humigit kumulang sa P30M. Bagaman mababa ito sa inaasahang target, patuloy naming hinihingi ang inyong patuloy na kooperasyon na magbayad ng ating HOA Dues upang siguruhin na maihatid ang mga kritikal na serbisyo para sa ating mga LNCitizens.
Simula Lunes, ika-18 ng Mayo, magtatalaga ng roving security guards sa loob ng mga villages. Alinsunod sa security protocols, ang mga detalye nito ay hindi ilalahad para na din sa seguridad ng lahat.
Sa kapwa nating mga residente na lubhang naapektuhan ang kabuhayan, makipagugnayan lamang sa LEHOA para sa Installment Basis / Plan of Payment.
Dahil hindi pa tapos ang krisis at ang kawalan ng katiyakin na dulot ng pandemya, masusing pinag-aaralan at pinaghahandaan ng LEHOA ang mga susunod na hakbang para masigurado ang tuloy-tuloy na seguridad at kalidad ng pamumuhay ng bawat residente ng Lancaster New City.
Sa interes ng transparency, ang LEHOA ay magbibigay ng buwanang Collections and Expenses report upang maunawaan ng lahat kung saan nilalaan ang nakokolektang HOA dues at ang mga serbisyong ating binabayaran.
Karagdagan dito, simula Hunyo, ipagpapatuloy na rin ang buwanang Phase Representatives Meeting para mapag-usapan kung paano pa natin mas pagbubutihin ang LEHOA at mga serbisyo para sa ating mga miyembro.
Sa gitna ng patuloy ng panganib ng COVID19 at mga hamon na dulot ng community quarantine, kaisa ang LEHOA sa panalangin na matapos na ang krisis na ating pinagdadaanan.
Muli, hinihiling naming ang inyong suporta, pasensya at pakikipagkapwa-tao sa patuloy na pagtataguyod ng ating komunidad. Tunay nga na kaya, basta sama-sama. Ang pagsasaayos ng ating komunindad ay nasa kamay ng bawat isa.
Maraming Salamat po!
LEHOA Management