25/06/2022
yes sa ipon together
“IPON NA LANG ULIT? TOGETHER ❤ ”
Gusto ko lang po ishare season namin ni Jai To The World as a couple. Baka magsilbing Paalala rin sa mga couples and singles out there.
(KINDA LONG POST AHEAD. So warningan niyo na jowa niyo. Haha)
Questions:
May bills ba kami na binabayaran together? - YES.
May bills ba na binabayaran separate? — YES.
Yung sahod ba namin pareho ay hindi lang sa amin at parehas nagpoprovide sa families namin? - YES.
May ipon ba kami together? - YES.
Nagkakaproblema ba kami sa pera as a couple?
Haha. Eto na nga… gusto ko lang ishare itong season namin kasi one time naremind ako ni Jai sa napanood niya ring preaching na may tendency daw tayong christians na hindi sine-celebrate si Lord sa mga down times natin.
Sometimes palaging sa ups lang. Kapag sa mga success lang, or kapag may milestone or breakthroughs or any struggle na naovercome, or kapag buo na yung story.
Well totoo naman kasi e, ang hirap magpraise kay God DURING the problems, pain, hurt, challenges, trials.
But diba si God hindi lang natin siya God sa victories, kahit sa mismong battles at even defeats.
So here comes this month. Nachallenge kami financially. Pareho sa kanya -kanya naming responsibilities at sa mga investments and bills namin together. And to be honest, ngayon lang ulit ako naubusan financially ever since nung nagwork ako. We both tried our best sa pagsave pero wala e…
naabutan kami ng Judith haha. Sabayan pa ng mga impulse decisions and lack of awareness sa remaining resource. HAHA.
But yeah sumabit kami this time. And still at the moment ng financial challenge namin. And isa lang yung pinapractice naming rule.
Huwag mangutang pambayad ng bills.
Yes, kahit may expected naman kaming papasok na income.
Ang hirap panindigan but thank God sinusustain Niya kami. Sumasakto yung kung anong meron kami ngayon for our daily bread. Umaasa sa provision ni God every day and surprisingly imbes na magpanic, there is peace saming dalawa. At nagulat kami na parehas kami peaceful nung napag usapan na namin ito. Nasasabuhay namin yung huwag magworry but pray na lang instead and it’s really something.
Ang dali kayang mainggit ngayon sa victories ng iba.
Ang dali din magcomplain at magkumpara.
Pero sana, kung gaano kadali tumingin sa iba, mas madali sa atin yung magfocus na lang kay God. Matuto sa mga lessons, mistakes and just continue. TOGETHER.
Wala kami sa breakthrough, wala kami sa victory, wala kami sa end ng season but feeling breakthrough pa rin, feeling victory pa rin at na-eembrace at naappreciate namin yung season namin on a whole other level.
So para sa mga couples out there, Kung financially challenged kayo pareho or yung isa sa inyo, Isang paalala lang ito na pwede parin natin ma-enjoy yung mga downs natin as a couple or single dahil we are never alone pala talaga. GOD IS WITH US meron man o wala. May sakit man o wala. Mahirap man or madali. Magaan man or mabigat, HE IS STILL WITH US!
SO PRAISE GOD DIBA!?
So kami, financially, ipon na lang ulit. Together.
Pagdating din spiritually, IPON DIN. Together with the Lord.
Ipon ng paalalas from the Bible.
Ipon ng prayers together.
Ipon ng thanksgiving at papuri para sa ating Diyos!
Yun lang mga Bes, Goodniight!
—
Bes, sobrang thank you talaga sa mga nagsu-subscribe at nagsusupport sa channel ko at page na ito. 😊🙌
My gf’s page: Jai To The World
Youtube: youtube.com/user/jahpotski
Shoppee: http://bit.ly/shopeeartofelijahtan