05/04/2021
Paalala:
Sa lahat po ng mga magpaparehistro sa National ID ay kailangan magdala ng isa (1) o dalawa (2) sa alin man sa mga sumusunod na dokumento. (Tingnan ang larawan sa ibaba).
Siguraduhin na ang mga dokumento na inyong dadalhin ay tama, magkakapareho at walang mali gaya ng SPELLING ng PANGALAN at PETSA ng KAPANGANAKAN. Tanging ang mga ORIHINAL na dokumento lamang po ang aming tatanggapin.
Para sa mga kababaihan na kinasal na. Kailangan din magdala ng katunayan ng inyong kasal (Marriage Certificate) bilang patunay sa pag papalit ng inyong apelyido.
Para po sa mga pinanganak at kinasal sa bayan ng Bacacay. Maari po tayong kumuha ng Lokal na kopya ng inyong Birth Certificate o Marriage Certificate sa ating Munisipyo (Kung sakali na tayo po ay wala ng kopya).
Maraming salamat po!