19/08/2025
A welcome change, albeit it took almost two decades.
Nagpasya ang na ang pagkakabawi ng isang na-carnap na sasakyan ay hindi hadlang para matanggap ng may-ari ang kabuuang bayad sa ilalim ng insurance policy.
Sa Desisyon na isinulat ni Associate Justice Henri Jean Paul B. Inting, inatasan ng Ikatlong Dibisyon ng Korte Suprema ang UCPB General Insurance Co., Inc. (UCPะ) na bayaran si Wilfrido C. Wijangco (Wilfrido) para sa pagkawala ng kanyang ninakaw na sasakyan.
Tinutukan ng patalim ang anak ni Wilfrido na si Andrew sa isang paradahan ng mga armadong lalaki na tinangay ang sasakyan matapos siyang pagbantaan. Iniulat sa pulisya ang pagnanakaw at nagsampa si Wilfrido ng insurance claim sa UCPB at nagsumite ng lahat ng kinakailangang dokumento.
Sa kabila ng paulit-ulit na follow-up na ginawa ni Wilfrido, hindi inaprubahan ng UCPB ang kanyang paghahabol. Nagprotesta si Wilfrido sa pagkaantala at gumawa ng pormal na kahilingan laban sa UCPB.
Ipinaalam kalaunan ng UCPB kay Wilfrido na nabawi ang sasakyan ng Traffic Management Group (TMG) at ititigil ang kanyang claim hanggaโt hindi naiisumite ang TMG clearance. Nang hindi umusad ang kanyang claim, nagsampa ng kaso si Wilfrido laban sa UCPB.
Pinagbigyan ang insurance claim ng Regional Trial Court (RTC) na nagsabing nagdulot ang pagnanakaw ng pananagutan sa UCPB kahit na nabawi pa ito. Nang binaliktad ng Court of Appeals (CA) ang desisyon, iniakyat ang kaso sa Korte Suprema.
Ibinalik ng Korte Suprema ang desisyon ng RTC. Binigyang-diin nito na may nagawa nang pagnanakaw kapag labag sa batas ang pagkuha ng sasakyan. Hindi nabubura ng pagkakabawi ng sasakyan ang mismong pagnanakaw.
Sa ilalim ng Seksyon 249 ng Insurance Code, inaatasan ang mga insurer na magbayad ng mga claim sa loob ng takdang panahan matapos matanggap ang patunay ng pagkawala. Sa sandaling lumipas ang panahong ito at bago mabawi ang insured na sasakyan, magiging pinal ang pagbabayad ng insurer para sa pagkawala at hindi maaaring pilitin ang insured na tanggapin ang nabawing sasakyan.
Sa kasong ito, inihain ni Wilfrido ang kanyang katibayan ng pagkawala noong Oktubre 10, 2006, ngunit ipinaalam sa kanya ng UCPB ang pagbawi pagkalipas ng 162 na araw โ higit pa sa 90-araw na legal na palugit. Hindi rin magamit ang sasakyan dahil nawawala ang ilang bahagi at may matinding pinsala kahit pa nabawi ito.
Inatasan ng Korte Suprema ang UCPB na magbayad kay Wilfrido ng PHP 1.8 milyon na insurance proceeds, kasama ang dobleng interes sa halaga. Inatasan din ang UPCB na magbayad ng PHP 180,000 bilang attorneyโs fee at PHP 200,000 bilang danyos.
Basahin ang press release sa https://sc.judiciary.gov.ph/sc-recovery-of-carnapped-vehicle-does-not-bar-insurance-claim/.
Basahin ang buong Desisyon sa https://sc.judiciary.gov.ph/257086-wilfredo-c-wijangco-represented-by-his-son-andrew-c-wijanco-vs-ucpb-general-insurance-co-inc/.
Sumunod sa Credit Attribution Policy ng SC PIO: https://sc.judiciary.gov.ph/credit-attribution-policy/.