D.D.Sason Insurance Services

D.D.Sason Insurance Services d.d.sason insurance service is a non life insurance services.

19/12/2025

Suspendido ang pasok sa lahat ng tanggapan ng pamahalaan sa December 29, 2025 (Lunes) at January 2, 2026 (Biyernes) alinsunod sa Memorandum Circular No. 111 na inilabas ng Office of the President.

Layon nitong bigyang pagkakataon ang mga kawani ng gobyerno na makapagdiwang ng Bagong Taon at makabiyahe papunta at pabalik ng kani-kanilang mga probinsya.

Mananatili namang bukas at operational ang mga ahensyang nagbibigay ng basic, vital, at health services, pati na ang mga may tungkulin sa kahandaan at pagtugon sa sakuna. | via Julie Baiza

FYI...
13/09/2024

FYI...

25/07/2024

JUST IN: Malacañang suspends work in government offices and classes at all levels on JULY 25, 2024 in:

- National Capital Region
- Central Luzon
- Calabarzon

“The suspension of work for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.” | via Katrina Domingo, ABS-CBN News

25/07/2024

Executive Order No. 75 Series of 2024

Adopting the order from Malacañang suspending work in government offices and classes in all levels in Angeles City on July 25, 2024.

Thank God every morning when you get up that you have something to do that day, which must be done, whether you like it ...
08/02/2024

Thank God every morning when you get up that you have something to do that day, which must be done, whether you like it or not.
-James Russell Lowell

01/08/2023
𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗰𝗿𝗶𝗯𝗲𝗱 𝗥𝗮𝘁𝗲𝘀, 𝗜𝗽𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱 𝗟𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟: 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗣𝗥𝗜𝗖𝗜𝗡𝗚NAGTAKDA na ang Land Transportation...
23/03/2023

𝗠𝗮𝘅𝗶𝗺𝘂𝗺 𝗣𝗿𝗲𝘀𝗰𝗿𝗶𝗯𝗲𝗱 𝗥𝗮𝘁𝗲𝘀, 𝗜𝗽𝗮𝘁𝘂𝘁𝘂𝗽𝗮𝗱
𝗟𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗥𝗜𝗩𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗖𝗛𝗢𝗢𝗟: 𝗕𝗔𝗪𝗔𝗟 𝗔𝗡𝗚 𝗢𝗩𝗘𝗥𝗣𝗥𝗜𝗖𝗜𝗡𝗚

NAGTAKDA na ang Land Transportation Office (LTO) ng pamantayang halaga ng sisingilin ng mga pribadong driving institution sa mga aplikante ng lisensya ng pagmamaneho.

Kasabay nito ang mahigpit na babala ni LTO Chief Jay Art Tugade na maaaring managot o mapagmulta ang ano mang driving school na maniningil ng labis o hindi makasusunod sa isinasaad ng pinagtibay na Memorandum Circular No. JMT-2023-2390 o "Omnibus Guidelines on the Accreditation, Supervision, and Control of Driving Institutions, and the Standardization of Driver and Conductor’s Education."

Magiging epektibo o iiral ang Memorandum Circular No. JMT-2023-2390 sa Abril 15.

Sa ilalim ng bagong pamantayan, ang pinapayagang pinakamataas na halaga na maaaring singilin ng mga pribadong driving institution para sa Theoretical Driving Course (TDC) ay hanggang P1,000.00.

Itinakda naman ang pinakamataas na halaga ng sisingilin sa sasalang sa Practical Driving Course (PDC) sa P2,500.00 para sa kukuha ng lisensyang may code A at A1; hanggang P4,000.00 para sa license codes B, B1, at B2; at P8,000.00 para sa mga heavy vehicle na may license code C o Carrier of Goods (Truck), D o (Passenger Vehicles (Bus), at CE o Articulated Vehicles.

May katapat na multang P50,000 at anim na buwang suspensyon ng akreditasyon ang mga driving school na sa unang pagkakataon ay hindi susunod sa maximum prescribed rates ng mga TDC at PDC; multang P100,000.00 at hanggang isang taong suspensyon para sa ikalawang beses na paglabag; at revocation o pagkansela na ng akreditasyon kung lalabag pa rin sa ikatlong pagkakataon.

"Ang mga bagong panuntunan na ito ay dumaan sa masusing pag-aaral ng technical working group at sumalang din sa serye ng mga konsultasyon sa lahat ng stakeholders," diin ni LTO Chief Tugade.

"Nabuo ang maximum prescribed rates na ito bilang tugon sa apela ng marami nating kababayan na umiiyak sa mataas na singilin pero maituturing din itong patas na hakbang para sa driving schools na namuhunan din," dagdag ng opisyal.

Samantala, nakasaad sa bagong panuntunan ang binawasang araw para makumpleto ang mandatory 15-hour na TDC. Mula sa dating tatlong araw, maaaring tapusin ng aplikanteng drayber ang kurso sa loob ng dalawang araw – pitong (7) oras sa unang araw at walong (8) oras sa susunod na araw – sa loob ng isang buwan.

Ang practical driving naman ay kailangang isagawa nang hindi bababa sa walong oras sa bawat license code na kukunin ng aplikante.

“PDC for light and heavy vehicles shall be conducted for at least TWO days while 8-hour PDC for motorcycles may be conducted in one day, provided that the student-driver has proven to have already acquired the knowledge based on the assessment by a practical driving instructor,” ayon pa sa memorandum circular.

Inoobliga na rin ang mga driving school na ipasok sa LTO system ang mga detalye ng bawat aplikante, gamit ang Land Transportation Management System (LTMS) Client ID upang matukoy ang totoong petsa ng pagsisimula ng TDC nito sa gitna ng isyu ng "non-appearance" ng ilang aplikante.

“Registration of his/her biometrics before and after every session for attendance purposes is required. The Driving Institution shall provide and maintain an attendance sheet to record the actual presence of the applicant during the conduct of the face-to-face TDC and written examination or validation,” ayon pa sa memorandum.

Matapos na makumpleto ang kurso at maipasa ang final exam sa TDC at ang 8-oras na PDC, bibigyan ng Certificate of Course Completion ang aplikante na real-time at electronically transmitted sa LTMS sa pamamagitan ng Driving Institution Portal.




19/12/2022

Pagmumultahin ng PHP 500,000 ang sinumang empleyado ng Land Transportation Office (LTO) na hindi tatanggap ng Philippine Identification (PhilID) card at printed ePhilID bilang valid proof of identification para sa mga transaksyon sa LTO.

Pinapaalalahanan ang mga tanggapan at empleyado ng LTO na sumunod sa LTO Memorandum Circular No. 2021 - 2272 na inalabas noong Hulyo 2021 hinggil sa pagtanggap ng PhilID card at printed ePhilID bilang valid proof of identification sa mga transaksyon.




15/12/2022
👌
07/12/2022

👌

ABISO SA PUBLIKO:

Hindi kinakailangang ipakita ang Official Receipt (OR) ng inyong lisensya sa pagmamaneho kung naipakita na ang Driver’s License card sa Law Enforcement Officer (LEO) o deputized agents.




Address

Mc Arthur Hiway, Sto. Domingo
Angeles City
2009

Opening Hours

Monday 8am - 5pm
Tuesday 8am - 5pm
Wednesday 8am - 5pm
Thursday 8am - 5pm
Friday 8am - 5pm

Telephone

+639392380550

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when D.D.Sason Insurance Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share