24/08/2026
𝐀𝐌𝐏𝐂 𝐬𝐚 𝐏𝐚𝐠𝐬𝐚𝐬𝐚𝐧𝐚𝐲 𝐬𝐚 𝐑𝐢𝐬𝐤-𝐁𝐚𝐬𝐞𝐝 𝐋𝐞𝐧𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐅𝐫𝐚𝐦𝐞𝐰𝐨𝐫𝐤
Hunyo 29 at 30, 2026 – Lumahok ang Alamada Multi-Purpose Cooperative (AMPC) sa dalawang araw na pagsasanay ukol sa Risk-Based Lending Framework for Cooperatives, na ginanap sa NHotel, Cagayan de Oro City. Layunin ng pagsasanay na higit na mapalalim ang kaalaman at kasanayan sa pagsusuri ng panganib sa pagpapautang upang maging maingat, episyente, at responsableng tagapamahala ng credit operations.
Bilang kinatawan ng Kooperatiba, dumalo sa naturang pagsasanay si Rubylexa G. Cabardo , Branch Manager, na nakibahagi sa mga talakayan at aktibidad na nakatuon sa wastong pagsusuri ng credit risk at kakayahan ng borrower na magbayad, at pagbuo ng mas matibay na batayan sa pagpapasya sa pagpapautang. Ang mga natutunang kaalaman ay magsisilbing dagdag na gabay sa pagpapaigting ng mga proseso at serbisyo ng AMPC para sa mga miyembro nito.
Sa patuloy na pag-unlad ng Kooperatiba, mahalaga ang patuloy na pagkatuto at pagpapahusay ng kaalaman ng ating mga kawani. Sa AMPC, bawat bagong kaalaman ay hakbang tungo sa mas responsable, ligtas, at mahusay na serbisyo para sa bawat miyembro.
𝑨𝑴𝑷𝑪 𝑻𝒐𝒈𝒆𝒕𝒉𝒆𝒓 𝑾𝒆 𝑷𝒓𝒐𝒔𝒑𝒆𝒓!