22/03/2023
9 Million Pesos insurance coverage na nagamit para sa condo unit Property Loan sa bangko ng isa naming client.
Early this year, nag ask ng tulong sa amin ang isang existing client about sa loan nila ng isang condo unit na nagkakahalaga ng 9 Million Pesos. Required ng bank na nagpapa-loan na magkaroon ng mortgage redemption insurance or MRI kung saan, proteksyon ito ng nag loan na kapag may mangyari sa kanya, hindi maiiwanan ng utang ang kanyang pamilya at ang insurance nya mismo ang magbabayad sa balanse para mafully paid at mailipat ang ownership ng property sa kanyang beneficiary.
May existing nang insurance ang client kaya pinalipat na lang namin ang beneficiary from the family member to the bank at pagkatapos, dinagdagan ng isa pang insurance para macover ng buo ang amount ng loan. Pagkatapos ay sinubmit namin sa bank ang documentations at naapprove na nga ang kanyang loan.
Napakaraming purpose ng ating insurance at isa na rito ay kapag tayo'y kumukuha ng mga property loans. At dito rin natin makikita na kinikilala ang kahalagahan ng pagkakaroon ng insurance maging ng mga malalaking institusyon sa bansa tulad ng mga bangko.