30/10/2024
🌱Ang pagsunod ba sa mga lider ng relihiyon ay pagsunod sa Diyos?
📖“At sinasabi Ko naman sa iyo, na ikaw ay si Pedro, at sa ibabaw ng batong ito ay itatayo Ko ang Aking iglesia; at ang mga pintuan ng impiyerno ay hindi magsisipanaig laban dito. At ibibigay Ko sa iyo ang mga susi ng kaharian ng langit: at anumang iyong talian sa lupa ay tatalian sa langit: at anumang iyong kalagan sa lupa ay kakalagan sa langit” (Mateo 16:18–19)
📖“Simon, anak ni Juan, iniibig mo baga Ako? … Pakainin mo ang Aking mga tupa” (Juan 21:17)
🌱📖Sabi ng Diyos,
“Kung ang pag-uusapan ay ang diwa ng kanyang gawain at ang nasa likod ng paggamit sa kanya, ang tao na ginagamit ng Diyos ay itinataas Niya, inihahanda ng Diyos para sa gawain ng Diyos, at siya ay nakikipagtulungan sa gawain ng Diyos Mismo. Walang sinumang tao ang maaaring gumawa ng kanyang gawain para sa kanya—ito ay pakikipagtulungan ng tao na kailangang-kailangang kaagapay ng banal na gawain. Samantala, ang gawaing ginagampanan ng ibang mga manggagawa o mga apostol ay paghahatid at pagsasakatuparan lamang ng maraming aspeto ng mga pagsasaayos para sa mga iglesia sa bawat panahon, o kaya nama’y gawain ng ilang payak na pantustos ng buhay upang mapanatili ang buhay-iglesia. Ang mga manggagawa at mga apostol na ito ay hindi hinirang ng Diyos, lalong hindi sila matatawag na mga ginagamit ng Banal na Espiritu. Sila ay pinipili mula sa mga iglesia at, pagkatapos silang sanayin at linangin sa loob ng ilang panahon, silang mga angkop ay pinananatili, habang iyong mga hindi angkop ay pinababalik kung saan sila nanggaling. Sapagkat ang mga taong ito ay pinili mula sa mga iglesia, ipinakikita ng ilan ang kanilang totoong mga kulay pagkatapos maging mga pinuno, at ang ilan ay gumagawa pa nga ng maraming masasamang bagay at naaalis sa bandang huli. Ang taong ginagamit ng Diyos, sa kabilang dako, ay siyang inihanda ng Diyos, at siyang nagtataglay ng partikular na kakayahan, at mayroong pagkatao. Maaga siyang naihanda at nagawang perpekto ng Banal na Espiritu, at ganap na pinangunahan ng Banal na Espiritu, at, lalo na pagdating sa kanyang gawain, siya ay tinagubilinan at inutusan ng Banal na Espiritu—bilang resulta, walang paglihis sa landas ng pangunguna sa mga hinirang ng Diyos, sapagkat tiyak na pananagutan ng Diyos ang Kanyang sariling gawain, at ginagawa ng Diyos ang Kanyang sariling gawain sa lahat ng pagkakataon” (“Tungkol sa Pagkasangkapan ng Diyos sa Tao” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao).