31/03/2025
Mahalagang Anunsyo para sa mga Kababayan sa Madrid
Inaanyayahan namin ang ating mga kababayan sa Madrid sa isang espesyal na kaganapan! Sa darating na Sabado, Abril 5, 2025, sa ganap na 5:30 ng hapon ay opisyal nang magsisimula ang pagsasanib ng PINOY CENTRAL at DUMAS & ZABALA ABOGADOS upang magbigay ng mahalagang impormasyon at libreng konsultasyon tungkol sa bagong batas sa Arraigo Social.
Limitado lamang sa unang 30 katao ang libreng konsultasyon at seminar, kaya’t magmadali at magpareserba na!
Para sa mga nais lumahok, tumawag sa:
📞 Telepono: 911 434 351
📱 Movil: 603 359 987
Calle General Margallo 9 Entreplanta
Huwag palampasin ang pagkakataong ito upang malaman ang mahahalagang pagbabago sa batas na maaaring makatulong sa inyong sitwasyon!
Maraming salamat at kitakits, mga kabayan!