10/12/2024
Nagagamit nyo pa ba ang ¢5 at ¢25 ?Para sa iba panukli na lang ng mga grocery to kapag may butal. O di kaya tinatapon na lang or nalilimutan na lang,minsan nga kung mahulog di na pinapansin.
Minsan nga kahit piso di na binibigyang halaga.Dahil kapag ang Isang bagay ay sobrang liit kadalasan hindi na natin pinapansin.
Most of the time, Dala natin itong habit pagdating sa maraming bagay. Isa na jan ang habit sa pag hawak ng pera. Kapag barya o maliit minsan okay lang sa atin iaksaya.Totally forgetting na Hindi mabubuo ang Isang Milyon kung kulang ng ¢5 😅
A habit is a habit, whether sa maliliit na bagay o malalaki magiging part ito ng automatic response o behaviour mo. If you love to waste even the small things huwag ka magtaka na isang araw sobrang laki na pala ng nawala o di kaya naitago mo sana. Minsan katulad ng problema, minsan hindi ito nagsisimula na malaki agad kung hindi, naging accumulation ng mga maliliit na bagay.
Balik tayo sa ¢5 at ¢25. Alam nyo ba na nung 2021 may 30 Billion pieces ng coins (all denominations) ang na sa circulation. I assume natin na 10% nyan ay centavos so sa 30 Billion my 3 Billion, I assume natin na pinaghalong 5¢ at ¢25 ito ang estimated total value nyan is Php 150,000,000 to Php 750,000,000 rough estimate lang.
Tanong maliit pa rin ba talaga sya?
Check your small habits, baka ito ang mga barya barya o centavos ng buhay mo na later on nag a-accumulate hanggang sa Malaki na pala 😉