07/30/2025
Kaninang umaga, nag-announce ang Bank of Canada na mananatili pa rin ang overnight rate sa 2.75%, third time na nilang hindi ito binago.
Patuloy pa rin ang concern sa inflation, kasi mataas pa rin ang core inflation at lampas pa sa 2% target ng Bank. Ang pinakamalaking dahilan ay ang mataas na gastos sa housing o shelter. Bukod pa d’yan, may dagdag pressure din dahil sa trade disruptions at mga bagong tariffs, kaya tumataas ang presyo ng mga produkto at pinapasa na lang ito ng mga negosyo sa consumers.
On the flip side, may mga unang senyales na rin ng paghina ng economy. After ng malakas na growth noong first quarter, mukhang bumagal ito sa second quarter with weaker exports at mas tipid ang household spending. Pati job market ay medyo humihina na rin, lalo na sa mga industriya na apektado ng mga trade issues sa U.S.
Sabi ni Governor Tiff Macklem, mahirap and challenging i-balance ang dalawang magkasalungat na factors:
1) paghina ng economy
2) tuloy-tuloy na inflation
For now, hindi muna nila binago ang rates, pero may possibility ng rate cuts sa future, depende kung tuloy-tuloy bumaba ang inflation at mag-stabilize ang global conditions.
So with all these changes, magandang pagkakataon na ngayon para i-review ang mortgage strategy mo. Kung iniisip mong mag-refinance, naghahanda sa renewal, o gusto mo lang mag explore ng options. i’m just a message away to help you stay ready and informed.
The next rate announcement of Bank of Canada will be on September 17, 2025. I’ll make sure to keep you updated!
Sa susunod muli, mga kabahay. stay wise and ready!