Karen Financial Care

Karen Financial Care Mom | Business owner | financial education for healthcare professionals and families❤️‍🩹

Informed decisions ➡️ stronger families and lasting legacies

08/27/2026

🇨🇦 5 FREE Ways to Check Your Credit Score in Canada

1. Your Bank App 🏦 — Many Canadian banks provide free access to your credit score through online/mobile banking.

2. Borrowell 📱 — Free credit score using Equifax data.

3. Credit Karma Canada 📊 — Free credit score using TransUnion data.

4. Equifax Canada 🍁 — You can access your credit report and credit score online for free.

5. TransUnion Canada 🍁 — You can obtain your Consumer Disclosure/credit report for free; free score availability can depend on the service or province.

Checking your own credit score/report is a soft inquiry, so it doesn’t hurt your credit score.

Save this! 🇨🇦 Follow for more simple financial tips.

08/27/2026

Akala mo basta on-time ka magbayad, okay na credit mo? 😳 Heto ang 7 credit hacks na maraming tao sa Canada ang hindi alam!”

08/27/2026

Akala mo basta on-time ka magbayad, okay na credit mo?

Heto ang 7 credit hacks na maraming tao sa Canada ang hindi alam!

1. Bayaran ang credit card bago ang statement closing date — hindi lang bago due date. Mas mababang balance ang posibleng ma-report sa credit bureaus.

2. Keep your credit utilization low — ideally below 30%, at mas mababa kung kaya. Halimbawa, $10,000 limit, iwasang laging mataas ang reported balance.

3. Humingi ng credit limit increase—pero huwag dagdagan ang gastos. Kapag tumaas ang limit pero pareho ang balance, bababa ang utilization ratio mo.

4. Huwag basta isara ang oldest credit card. Ang matagal na credit history ay maaaring makatulong sa credit profile mo, lalo na kung no-fee card naman.

5. Set up automatic minimum payment. Para kahit makalimutan mo, mas mababa ang risk na magkaroon ng late payment. Then manually pay the full balance whenever possible.

6. Limitahan ang sunod-sunod na credit applications. Multiple hard inquiries in a short period can affect your credit profile. Apply only when necessary.

7. Regularly check your credit report. May pagkakataong may incorrect information o account na hindi mo recognize. Sa Canada, puwede mong i-check ang reports mo sa Equifax at TransUnion

Save mo ’to bago ka mag-apply ng mortgage, car loan, o bagong credit card.

Follow for more simple financial tips in Canada! 🇨🇦

08/25/2026

1. Akala nila savings account lang ang TFSA.
Pwedeng gamitin ang TFSA for eligible investments—not just cash savings.
2. Nag-o-overcontribute.
Hindi porke “tax-free” ay unlimited. May contribution room at puwedeng magkaroon ng penalty kapag sumobra.
3. Withdraw nang withdraw, then ibinabalik agad.

Ang amount na winithdraw mo ay generally bumabalik sa contribution room sa susunod na calendar year, hindi automatically ngayong taon.
4. Hindi ginagamit ang TFSA dahil takot mag-invest.
Sayang ang potential tax-free growth, especially kung long-term ang goal.
5. Walang goal o strategy.
May TFSA nga, pero hindi malinaw kung para saan—emergency fund, bahay, retirement, or long-term wealth building.

Follow for more simple financial tips para mas maintindihan natin kung paano gamitin nang tama ang mga financial tools dito sa Canada.

08/24/2026

Hindi pa huli. Ang goal ay hindi maging perfect by 50—ang goal ay mas kaunting utang, mas malaking savings, at mas prepared sa retirement.

1. High-interest credit card debt – Ito ang isa sa pinakamabilis lumaki dahil sa mataas na interest.

2. Payday loans at cash advances – Kung paulit-ulit kang humihiram para maitawid ang next payday, unahin itong tapusin.

3. Consumer loans na walang na-build na asset – Personal loans at ibang utang na kinakain lang ang monthly cash flow mo.

4. Malaking bahagi ng mortgage – Hindi kailangang fully paid ang bahay by 50, pero magandang goal na maliit na lang ang balance bago mag-retirement.

5. Utang na galing sa lifestyle – Gadgets, shopping, vacations, at sasakyang lampas sa budget. Bago mag-50, mas magandang retirement ang pinopondohan, hindi interest.

Malapit ka na bang mag-50 pero marami ka pa ring binabayarang utang?

08/23/2026

7 bagay na sana mas maaga kong nalaman pagdating ko sa Canada

1. Hindi sapat na mataas ang sweldo.

Kahit malaki ang income, kung malaki rin ang gastos at walang savings, mahirap pa ring makaipon.

2. Credit score matters.
Malaking factor ito kapag kukuha ka ng mortgage, loan, or ibang forms of credit.

3. Emergency fund is a must.

Hindi natin kontrolado ang job loss, emergency expenses, o biglaang pagbabago sa buhay.

4. Hindi lahat ng utang masama.

May debt na maaaring makatulong mag-build ng assets, pero kailangan calculated at kaya ng cash flow.

5. Kailangan maintindihan ang taxes.

Hindi lang kung magkano ang kinikita mo—importante rin kung paano ginagamit nang tama ang TFSA, RRSP, FHSA at ibang available accounts.

6. Hindi automatic na enough ang retirement benefits.

CPP at OAS can help, pero kailangan mo pa ring gumawa ng sariling retirement plan para sa lifestyle na gusto mo.

7. Protection is part of financial planning.

Hindi lang puro savings at investments. Kailangan ding paghandaan kung mawalan ng income, magkasakit, o may unexpected na mangyari.

“Pagdating ko sa Canada, akala ko basta may trabaho at magandang sweldo, okay na financially. Pero isana mas maaga kong nalaman…”

Kung bago ka sa Canada—or matagal ka na pero ngayon ka pa lang nagse-seryoso sa finances—follow my page for more simple financial tips. Share mo rin ito sa isang pamilyang makakatulong.

08/22/2026

7 things na paulit ulit mong ginagawa kaya hndi ka makaahon sa utang!

1. Minimum payment lang lagi — Nababayaran mo ang interest pero halos hindi nababawasan ang principal.

2. Umutang para pambayad sa ibang utang — Parang umiikot lang ang pera, pero lumalaki ang total na obligasyon.

3. Gumagastos bago mag-budget — Kapag walang plano ang sweldo, madaling maubos bago pa mabayaran ang priorities.

4. Ginagawang extension ng sweldo ang credit card — Kapag kapos, swipe agad—hanggang maging normal na ang balance.

5. Lifestyle hindi binabago — Kahit may utang, tuloy pa rin ang wants, subscriptions, eating out, at impulsive shopping.

6. Walang emergency fund — Isang car repair, medical expense, o unexpected bill, utang na naman ang takbuhan.

7. Iniiwasang tingnan ang totoong numbers — Hindi alam kung magkano lahat ng utang, interest, at monthly payments kaya walang malinaw na exit plan.

“Bakit parang buwan-buwan kang nagbabayad pero hindi nababawasan ang utang mo? Baka paulit-ulit mong ginagawa ang mga ito.”

Hindi kailangan sabay-sabay baguhin lahat. Magsimula sa isang habit today.

Follow for more simple financial tips, at i-share mo ito sa taong makakatulong sa kanya.

08/22/2026

As parents, hindi lang natin sila pine-prepare na makahanap ng trabaho. Gusto rin natin silang maging financially responsible kapag nagsimula na silang mamuhay on their own.

1. May sarili na siyang income at naiintindihan niyang hindi lahat nito ay pang-gastos.

2. Marunong siyang mag-budget — alam niya kung magkano ang para sa rent, food, transportation at bills.

3. Marunong mag-save bago gumastos — kahit maliit, ginagawa niyang habit ang pag-iipon.

4. May emergency fund mindset — naiintindihan niyang may unexpected expenses na pwedeng dumating.

5. Responsible siya sa credit card at utang — alam niyang hindi extra income ang credit limit.

6. Marunong magbayad ng bills on time at hindi umaasa na laging sasagutin ni Mom at Dad.

7. Iniisip na niya ang future — career growth, savings, investments at financial protection.

8. Marunong humingi ng financial guidance bago gumawa ng malaking decision.

Bilang magulang, hindi natin kailangang ibigay sa kanila ang lahat. Mas mahalagang maituro natin kung paano sila magiging responsible sa kung anong meron sila.

Because one of the best gifts we can give our children is not just money—it’s the knowledge and discipline to manage money when we’re no longer beside them. ❤️

Teach them while they’re young. Guide them when they’re starting. And when they’re ready, trust them to build their own future.

08/22/2026

Bakit na dedeny ang Life Insurance claim?

1. May importanteng information na hindi na disclose.

2. May Exclusions sa policy.

3. Lapse na ang policy.

4. Issue discovered sa claim review most especially sa first 2 years- contestability period.

Kaya napaka importante ng Policy Review. Talk to your Financial Advisors to review your insurance policy.

08/22/2026

Gusto mo nang bumili ng bahay? Bago ka mag-house hunting, check muna kung ready talaga ang finances mo.

1. May stable at consistent kang income.

Kaya mong bayaran ang mortgage at regular monthly expenses.

2. May ipon ka para sa down payment.

Hindi kailangang ubusin lahat ng savings mo para lang makabili ng bahay.

3. May emergency fund ka

Ideally, may nakatabi para sa unexpected expenses at repairs.

4. Manageable ang mga utang mo.

Hindi ka sobrang loaded sa credit cards, car loans, at ibang monthly payments.

5. Ready ka sa totoong gastos ng bahay

Hindi lang mortgage—may property tax, utilities, insurance, maintenance, at repairs.

Follow for more simple financial tips para mas prepared ka sa next big financial decision mo.

Address

Lethbridge, AB

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Karen Financial Care posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share