31/01/2023
PROTIPS - Jan 31, 2023
Work on Your Dreams
By Maloi Malibiran-Salumbides
Sa isang decorative poster na nakadisplay sa Bohol Bee Farm ay nabasa ko ang inspiring quote na ito, "Dreams don't work unless you do." Totoo nga naman, ang isang pangarap ay hindi magkakaroon ng katuparan kung hindi mo ito pagtatrabahuhan at pagsusumikapan.
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at pag-abot sa mga pangarap mo.
Magandang simula sa pagtatagumpay ang magkaroon ng malaking pangarap. Pero ano nga ba ang mga hakbang na dapat na sundan para ang pangarap mo ay maging katotohanan?
1) Be ready to work hard. Walang duda na kailangan nating magtrabaho para marating ang ating pangarap. Yan ang malaking pagkakaiba ng day-dreaming sa pangarap na nagiging reyalidad. Lapatan ng aksyon di lang puro imahinasyon ang pangarap mo.
2) Be ready to experience failure. Hindi lahat ng pangarap naaabot sa unang subok. May mga abogado na ilang beses na kumuha ng bar exams bago sila nakapasa. Hindi biro ang sakit, disappointment at self-doubt na maaaring maramdaman kapag di tayo nagtagumpay sa ating pakikipagsapalaran. You begin to question your abilities, your calling and your dream. Pero bahagi iyan ng ating lakbayin. Not all journeys are smooth-sailing.
3) Be ready to try again until you succeed. Sakaling di ka magtagumpay sa mga unang pagsabak, huwag na huwag kang aayaw. Sumubok lang muli hanggang marating mo ang gusto mong abutin. Success is within reach for those who never give up.
May pangarap ka bang gustong abutin? Be ready to work hard, be ready to fail and be ready to try again until you succeed.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!