09/01/2022
Sabi ng kausap ko ang pera daw ginawa para gastusin. Kaya kung may pera wag daw itago, wag sarilinin, kung may nanghihingi ng tulong, tumulong at wag madamot.
Totoo nga naman naghahanap ka ng pera para may panggastos.
At totoo din na masarap sa feeling kapag ikaw ay nakakapagbigay, o nakakatulong sa kapwa.
Pero ang Pagiipon ay hindi nangangahulogan na ikaw ay makasarili at madamot na.
Totoo yun ang Pera ay ginawa para gastusin.
Panggastos sa "NGAYON" at panggastos para sa "BUKAS".
Kailangan mo lang ng tamang pagpaplano kung saan mo ito gagastusin. At kung paano at saan mo ito iipunin at palaguin.
Kailangan may IPON ka para sa mga biglaang gastusin, mga emergencies. Bagyo, nasunogan, lindol nagiba ang bahay, etc. nang sa gayon tamaan ka man ng delubyo hindi ka na aasa sa ayuda, hindi ka aasa sa gobyerno, at sa ibang tao.
Kailangan may IPON ka para sa iyong pagkakasakit o ang pamilya. Para hindi ka na mangungutang o manghihingi sa social media para pambayad sa hospital.
Kailangan may IPON ka para sa edukasyon ng mga anak, paghahanda para seguradong makakapag aral ang mga anak mo sa kolehiyo.
Kailangan may IPON ka para sa iyong pagtanda kung hindi mo na kayang magtrabaho para may panggastos ka sa mga pangangailangan mo. At hindi ka magiging pabigat sa pamilya lalo na sa mga anak mo.
Maraming tao nag iipon pero sa huli hindi talaga nakakaipon. Pagkatapos maka-ipon ng isang taon, igagastos lang sa isang araw. Ang iyong ginagawa ay “Save to Spend”
Kailangan mong mag-ipon para palaguin ang perang naipon mo. Ang perang inipon mo sa isang taon, palaguin mo para may balik na pera para sayo araw-araw at ito ang gamitin mo para igastos . “Save to Invest”
Save and invest to income generating investments like Real Estates, Business, Stock Market/ Mutual funds, Insurances, etc. 👌🏻
Be wise. Don’t work for money, let your money work for you. Retire early and Enjoy Life. 😁
📩Message me for personal financial coaching.
PM me to Attend free Financial webinar daily
👉https://126981uae.imgcorp.com
https://www.facebook.com/International-Marketing-GROUP-111457080983170/