John sa UK

John sa UK UK-based Filipino Dad
Raket Engineer | Nurse ang Misis, Dinala sa UK

27/08/2026

Anong gagawin mo pg may namimigay ng FREE na sofa?na bike? Na tent?

Syempre mga Pinoy relta kuha yan.

Perooooo Nastress din ba misis nyo sa dami ng gamit nyo na nakakalat sa bahay? Kasi ako oo ๐Ÿคฃ

Kaya eto, kahit masakit sa damdamin eh magbabawas at magclear tayo ng mga gamit natin.

27/08/2026

Anong problema nanaman kaya dito sa abroad ang pwedeng icontent ๐Ÿคฃ

๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐˜‚-๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€!?Kapag nag-abroad ka, natural lang na mapansin mo kung ano yung m...
27/08/2026

๐—ก๐—ฎ๐—ธ๐—ฎ๐—ฝ๐—ฎ๐—ด-๐—ฎ๐—ฏ๐—ฟ๐—ผ๐—ฎ๐—ฑ ๐—น๐—ฎ๐—ป๐—ด, ๐—ธ๐˜‚๐—ป๐—ด ๐—ฎ๐—ป๐˜‚-๐—ฎ๐—ป๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€๐—ฎ๐—ฏ๐—ถ ๐˜€๐—ฎ ๐—ฃ๐—ถ๐—ป๐—ฎ๐˜€!?

Kapag nag-abroad ka, natural lang na mapansin mo kung ano yung mas okay sa bansang nilipatan mo.

Sobrang iba kasi talaga lalo sa mga government services, disiplina sa daan, kita kung san napupunta ang tax mo at ibang maliliit na bagay na โ€œsana allโ€ natin sa Pinas.

Pero meron talagang mga bagay na IBA pa din sa Pinas na sobrang maa-appreciate habang tumatagal ka abroad.

Kaya eto yung tinginb ko na 7 things na masarap talaga sa Pinas

1. Mas may SUPPORT SYSTEM sa pagpapalaki ng anak.

Sa Pinas, kung malapit kayo sa pamilya, nandiyan ang lolo, lola, mga kapatid, tito, tita at pinsan.

Hindi naman ibig sabihin na sila ang bahala sa anak mo. Pero malaking bagay yung may mapagkakatiwalaan ka kapag may emergency, kailangan mong pumasok, o gusto niyo lang mag-asawa na makalabas sandali.

Dito sa abroad, most of the time, kayong mag-asawa talaga.

School run, trabaho, appointments, luto, linis, mga bata? Kayo kayo lang at dapat planuhun at kailangan niyong paghatian lahat.

2. Mas madaling magkita-kita ang pamilya at barkada.

Sa Pinas, pwede kang mag-message ng:

โ€œKain tayo mamaya.โ€

Tapos mamaya, magkakasama na kayo.

Dito, minsan kailangan munang tingnan ang rota, school schedule, childcare at kung sino ang may pasok sa weekend.

Kaya inaarrage talaga ang mga lakad dito. Mahirap yung biglaan.

3. FOOOOOOD. Hindi lang dahil mas masara pero sobrang accessible.

Pandesal sa umaga, carinderia sa tanghali, ihaw sa gabi, taho, pares, fishball, kakanin. Maraming bagay na ordinary lang sa Pilipinas pero dito, kailangan mo pang hanapin kung saang Asian shop available.

4. Sobrang affidable pala ng CONVENIENCE sa Pinas

Ito yung isa sa mga bagay na hindi ko masyadong na-appreciate dati.

Laundry, car wash, haircut, repairs, delivery, pagkain sa labas..

Maraming services sa Pilipinas na relatively affordable.

Dito sa UK, mahal ang labour, kaya kapag may kailangang gawin sa bahay. Kaya gagaling kng mag DIY dito ๐Ÿ˜‚

5. Yung BIGLAAN

Sa Pinas, mas madali yung biglang aya.

โ€œTagaytay bukas?โ€
โ€œOh tara sine mamaya?โ€
โ€œ2 Bottles?โ€

6. Pasko sa Pilipinas.

Dito medyo biased talaga ako. Ang tahimik kasi ng Pasko sa abroad ๐Ÿ˜‚

Pero Pasko sa Pilipinas?

Iba talaga.

September pa lang parang nagsisimula na. May handaan, reunion, inaanak, Simbang Gabi, mga kamag-anak na umuuwi at yung feeling na halos buong community sabay-sabay nagse-celebrate.

7. Iba sa Pinas kasi HINDI ka FOREIGNER

Ito siguro yung pinaka-hindi ko naiisip dati. Or maybe in-denial?

Sa Pinas, hindi mo iniisip kung kailan ang visa renewal o kung ano ang immigration status mo.

Normal ka lang.
Nasa sarili mong bansa ka.

Marami din talagang mga โ€œSANA GANTO SA PINAโ€ kang maoobserve sa pagtira abroad.

Pero marami din pala yung oo nga no? Iba pa din sa Pinas.

Always ๐Ÿ˜ฌ
27/08/2026

Always ๐Ÿ˜ฌ

Yung bobolahin nya ako na โ€œBest daddy ever!โ€ Pagkatapos ko syang pangakuan na โ€œYouโ€™ll always be my princessโ€.

Sarap.

Yan yung mga di mo mababayaran na moments pag tatay na tayo.

Kapag shared pantry? At para di laging ubos ang kape mo ๐Ÿ˜
27/08/2026

Kapag shared pantry? At para di laging ubos ang kape mo ๐Ÿ˜

25/08/2026

Nakakasawa na daw yung post tungkol sa benefits of having access sa free healthcare? ๐Ÿ˜ž

Oh sya. Posting another one later โœŒ๏ธ๐Ÿ˜

๐—”๐˜†๐—ผ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜. So today, I Am Saying NO to FREE ThingsNastress na kasi ang misis ko sa dami ng mga gamit sa bahay na...
25/08/2026

๐—”๐˜†๐—ผ๐—ธ๐—ผ ๐—ป๐—ฎ ๐˜€๐—ฎ ๐—Ÿ๐—œ๐—•๐—ฅ๐—˜. So today, I Am Saying NO to FREE Things

Nastress na kasi ang misis ko sa dami ng mga gamit sa bahay na pinagkukuha ko tapos di naman gagamitin. ๐Ÿ˜…

At actually, feeling ko isa sa mga dahilan kung bakit dumadami ang kalat sa bahay namin ay dahil masyado akong kuripot

At alam ko di lang ako ang guilty sa mga nahilig sa Facebook Marketplace.

Free furniture, almost free things, kung anu-anong gamit sa bahay.

At kapag nakita ko yung word na FREE, automatic parang sayang naman kung hindi kukunin.

Free cabinet? Pwede pa yan.

ยฃ5 na gamit na originally ยฃ50? Ang laki ng tipid. Sakin na yan!

Bagay na hindi kailangan ngayon pero may nagpost na LIBRE basta icollect sa bahay nila? Letโ€™s goooow haha

At first, feeling ko practical ako. Instead na bumili ng bago, nakakakuha ako nang libre or halos libre.

Until napansin ko na dumadami naman yung kailangan naming ayusin, yung storage na binili para mag free up ng space, puno na naman ๐Ÿ˜ฑ

Doon ko narealise:

๐™๐™ž๐™ฃ๐™ช๐™ก๐™ช๐™ฃ๐™œ๐™–๐™ฃ ๐™ ๐™ค ๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™œ๐™™๐™š๐™˜๐™ก๐™ช๐™ฉ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™ฎ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™—๐™–๐™๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™—๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฉ๐™–๐™ค, ๐™ฉ๐™–๐™ฅ๐™ค๐™จ ๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™ค ๐™ฎ๐™ช๐™ฃ๐™œ ๐™˜๐™ก๐™ช๐™ฉ๐™ฉ๐™š๐™ง ๐™ฃ๐™ž๐™ก๐™– ๐™จ๐™– ๐™—๐™–๐™๐™–๐™ฎ ๐™ฃ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฃ.

Parang hindi na ako bargain hunter.

Parang naging tagatapon na lang ako ng pinaglumaan ng iba. ๐Ÿ˜‚

KAY SIMULA NGAYON, SAY NO TO FREE

Baguhin natin yung tanong

Instead na, โ€œMagkano ang matitipid ko?โ€

How about

โ€œKung hindi ito libre, gugustuhin ko pa rin ba ito?โ€

At para hindi by feelings lang yung implementation, may isusuggest ako na baka pwede nyo ding gamitin kung kapareho ko kayo sa sitwasyon na to.

Moving forward, gagamit tayo ng 3 rules inspired by The Minimalists bago ako bumili or kumuha ng kahit anong gamit.

๐Ÿญ. ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐Ÿต๐Ÿฌ/๐Ÿต๐Ÿฌ ๐—ฅ๐˜‚๐—น๐—ฒ

Ginamit mo ba ang ganitong bagay within the last 90 days, or realistically gagamitin mo ba within the next 90?

Kung ang sagot natin lang ay โ€œbaka someday,โ€ baka hindi talaga natin kailangan.

๐Ÿฎ. ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐Ÿฎ๐Ÿฌ/๐Ÿฎ๐Ÿฌ ๐—ฅ๐˜‚๐—น๐—ฒ

This rule is originally for things we keep โ€œjust in case.โ€

Kung madali naman palang hanapin or palitan yung bagay kapag kailangan na talaga, bakit natin kailangang i-store sa bahay for years?

Hindi warehouse ang bahay natin.

๐Ÿฏ. ๐—ง๐—ต๐—ฒ ๐Ÿฏ๐Ÿฌ/๐Ÿฏ๐Ÿฌ ๐—ฅ๐˜‚๐—น๐—ฒ

Ito naman yung waiting rule.

Kapag may nakita kang free or almost free, huwag muna kunin agad.

Save mo. Balikan mo kinabukasan.

Kung gusto mo pa rin, kailangan mo talaga, at alam mo kung saan mo gagamitin, saka mo kunin.

Kasi minsan, kailangan lang natin ng konting distance bago natin marealise kung gusto ba talaga natin yung bagayโ€ฆ

o na-excite lang tayo dahil libre.

Hindi porke 0 ang presyo, wala nang cost.

A free item still costs space, time and effort. Kailangan mo pang kunin, linisin, i-store, at eventually baka ikaw din ang mahirapang magtanggal.

So yes, today I am saying NO to free things.

Hindi dahil ayoko nang makatipid.

Subukan natin.
Baka yung ang isang susi sa stress free na bahay ๐Ÿ˜ฌ

Road to 100K? Thank you sa mga bagong nagsupport at lalo sa mga Day 01s natin! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ˜Š
24/08/2026

Road to 100K? Thank you sa mga bagong nagsupport at lalo sa mga Day 01s natin! ๐Ÿ”ฅ๐Ÿ˜Š

Balita ko kumpleto ulit ang tropa sa Oxford para sa very first Filipino Lechon Festival sa UK.See you mga bro Kuya Fredo...
24/08/2026

Balita ko kumpleto ulit ang tropa sa Oxford para sa very first Filipino Lechon Festival sa UK.

See you mga bro Kuya Fredo, Ariel Nepomuceno , Buhay ni Jay sa UK sa Sabado.

Malapit ka din? Tara?

Tax-funded? Oo naman.Pero free at the point of use ang pinag-uusapan.Sa Pilipinas, nagbabayad tayo ng tax.Sa US, nagbaba...
24/08/2026

Tax-funded? Oo naman.

Pero free at the point of use ang pinag-uusapan.

Sa Pilipinas, nagbabayad tayo ng tax.
Sa US, nagbabayad din ng tax.
Sa UK, nagbabayad din kami ng tax.

Pero pare-pareho ba may pangako na healthcare as a human right?

Hindi.

Kasi ang tax, normal na part ng gobyerno.

Ang tanong ay saan pinipili ng gobyerno na gamitin ang tax na kinokolekta nila.

Kaya kung ang argument ay:

โ€œHindi libre ang NHS kasi galing sa tax.โ€

Then by that logic, dapat libre rin ang healthcare ng taxpayers sa Pilipinas at US.

So yes, the NHS is tax-funded.

And mula sa tax na yun magngagaling ang pondo para healthcare is still free at the point of use.

Kaya wag po mainit ang ulo, inom na po ng amlodipine. โœŒ๏ธ๐Ÿ˜

Address

Pasig

Telephone

+639064109396

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when John sa UK posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to John sa UK:

Shortcuts

Share