02/12/2024
Mabuhay ang lahat ng Breadwinners. ❤️🙏🏻
'FEELING KO PO ATM PO 'KO SA PAMILYA NAMIN'
Ito ang ibinahagi ng "And The Breadwinner Is" contestant na si April matapos mapag-usapan ang patungkol sa kanyang karanasan bilang isang breadwinner.
"Anong nararamdaman mo minsan, anong hinaing mo kapag bigat na bigat ka na?" tanong ng TV host na si Vice Ganda.
"Feeling ko po ATM po 'ko sa pamilya po namin [...] kasi po kapag wala pong pambili ng ulam, wala po silang pambaon, [magtsa-chat] sila, 'Ate, pengeng pambili ulam.' 'Ate, may bayarin kami sa school.' Parang akala nila pag nag-chat sila may lalabas agad akong pera pero hindi po nila naiisip kahit sinasabi ko na wala na 'kong pera, wala nang sumobra sa sahod ko, akala nila ang dami-dami ko pa ring pera po," sagot naman ni April.
"'Yun yung sinasabi ko kanina, kasi minsan nasanay eh. [...] Hindi kita sinisisi pero 'wag natin ugaliing sinasanay natin ang mga tao na inaabuso tayo. I'm not saying na inaabuso ka, kayo ang makakapag-judge nu'n for yourselves, 'di ba?" saad naman ni Vice.
(YouTube/ABS-CBN It's Showtime)