05/09/2020
BE OPEN MINDED....
Minsan, ang tanging hadlang sa happiness mo is YOU.
Hindi lang natin narerealize, pero ang ugali natin may mga consequence sa atin. Lalo na kapag tayo ay CLOSE-MINDED o sarado ang isipan.
Halimbawa, niyaya ka ng mga kaibigan mo na mag-hiking. E ikaw hindi naman mahilig sa hiking. Sabi mo sa sarili mo, “Hindi naman ako mag-eenjoy sa ganyan, ayokong sumama.” Siyempre, anong mararamdaman mo nung nagpost ng pictures sa Facebook ang mga kaibigan mo na masaya tapos wala ka? Hindi ba ang lungkot?
Paano kung sumama ka at nadiscover mo na masaya pala ang hiking? What if you gave it a chance? Dahil sarado ang isipan mo sa ganitong bagay, namiss out mo ang isang magandang outing. Edi sana, mas masaya ka ngayon.
Pwede rin na mangyari ito sa trabaho. Kung bibigyan ka ng boss mo ng trabahong kakaiba pero sa tingin niya ay kakayanin mo naman, anong reaction mo? Sigurado ako, na marami sa atin ang aayaw sa ganitong chance. Pero kung titignan natin, ang pagsabi ng “YES” dito ay pwedeng chance na mapromote o magpakita ng talents mo.
Ang lesson sa mga ganitong everyday experiences ay dapat OPEN-MINDED tayo. Dapat nating tanggapin na pwede pang mag-iba ang tingin natin sa mga bagay. May mga bagay na hindi natin alam sa mundong ito, kaya dapat bukas ang mga isipan natin para mas marami pa tayong mapulot na lessons.
Sa totoo lang, karamihan ng GREAT THINGS sa buhay ay yung mga bagay na hindi pa natin naaabot. Kaya hindi tayo dapat mastuck sa MINDSET na meron tayo now. Kailangan, palakihin natin ang sarili nating LIMITS para maabot ang happiness.
Ikaw, open-minded ka ba? Ishare mo naman sa comments kung bakit!