17/09/2026
Watch and Support
Purchase your tickets now
Isang bagong season, isang kuwentong parang kilala mo na… pero teka, hindi na ito yung dati mong Romeo at Juliet. 🎭
Hindi na namin patatagalin pa, narito na ang bonggang pagbabalik ng Collective Arts of Students and Thespians. Patay Kang Juliet Ka: Romeo@Juliet V2.0.26! Isinalin sa kontemporaryong Tagalog mula sa panulat ni Allison Williams, ito ang dulang magpapakita kung paano si Juliet ay hindi na simpleng damsel in distress… kundi bida na may sariling plano, sariling punchline, at sariling “plot twist.”
Kaya tara na, makisali, makitawa, at baka maki-iyak din (pero promise, mas marami ang tawa).
I-follow lamang ang aming page na CAST Productions at CAST - SALI TAYO para sa iba pang impormasyon. Kita-kits, luvies! ✨