07/01/2026
Mas okay mag-invest muna bago mag-insurance.
Madalas ko itong marinig, lalo na sa mga nagsisimula pa lang magplano ng finances.
Ang logic, palaguin muna ang pera. Kapag may naipon na, saka na lang mag-insurance.
On the surface, parang may sense.
Bakit ka magbabayad ng insurance kung pwede namang palaguin muna ang pera mo?
Ang problema, magkaibang problema ang sinosolve ng investment at insurance.
Investment is for growth.
Insurance is for protection.
Kapag nag-invest ka muna nang walang insurance,
tumataya ka na walang mangyayaring masama habang pinapalago mo ang pera mo.
At hindi dahil pessimistic ang insurance,
kundi dahil realistic ito.
Habang nag-iinvest ka, exposed ka pa rin sa risk.
Pwede kang magkasakit.
Pwede kang maaksidente.
Pwede kang mawalan ng income.
At kapag nangyari yun,
saan kukunin ang pera?
Madalas, sa investment mismo.
Iwi-withdraw mo siya nang maaga.
Minsan lugi.
Minsan sakto lang.
Pero siguradong naderailed ang plano.
Dito pumapasok ang role ng insurance.
Insurance allows you to invest properly.
Dahil may sumasalo sa risk,
hindi mo kailangang galawin ang investment kapag may nangyaring hindi inaasahan.
Hindi ibig sabihin nito na
insurance muna, tapos wala nang investment.
Hindi rin ibig sabihin na
lahat ng pera mo ilalagay sa insurance.
Ang tamang tanong ay order.
Unahin mo ang insurance
para ma-protect ang income at future cash flow.
Pagkatapos, saka ka mag-invest
nang mas maayos at mas disiplinado.
Kasi kapag walang insurance,
ang investment mo ang nagiging emergency fund, hospital fund, at risk fund.
At hindi siya designed para doon.
Insurance and investment are not competitors.
They work together.
Insurance protects your plan.
Investment grows your plan.
Kaya hindi rin tama ang statement na
mas okay mag-invest muna bago mag-insurance.
Mas tamang sabihin ito:
Mas okay mag-invest
kapag may insurance ka na.
Hindi dahil inuuna ang insurance,
kundi dahil ayaw mong masira ang plano mo
dahil sa isang risk na pwede namang saluhin.