21/09/2026
Limamput apat na taon na ang lumipas mula ng idineklara ni Ferdinand Marcos Sr. ang Martial Law sa Pilipinas noong Setyembre 21, 1972โang panahon na nagdala hindi ng โBagong Lipunan,โ kundi ng sistematikong panunupil at malawakang pagnanakaw sa mga Pilipino. Humigit-kumulang 70,000 ang ilegal na ikinulong, 34,000 ang tinorture, at 3,200 ang nawala at pinatay sa likod ng retorika ng disiplina at kaayusan. Binuwag din ng batas militar ang mga demokratikong institusyon at pinatahimik ang mga estudyante, manggagawa, at mamamahayag, na nagtanim ng kultura ng impunity sa ating bansa.
Sa kasamaang palad, hindi natapos ang ganitong anyo ng karahasan noong 1972 sapagkat muli itong lumitaw at lumala sa porma ng โWar on Drugsโ noong 2016 sa ilalim ng rehimeng Duterte. Sa parehang kaso, iisa ang mukha ng pasismo: paggamit ng kamay na bakal, pagbabasura sa due process, at pagtrato sa mga ordinaryong Pilipino bilang banta sa kapayapaan ng Pilipinas. Ipinapakita lamang nito na ang pagyurak sa karapatang pantao ay hindi lamang isang kabanata ng nakaraan; ito ay nananatiling isyu sa kasalukuyan. Ang mga martir ng Martial Law at libo-libong biktima ng extrajudicial killings (EJK) ay patunay na ang pagkukunsinti sa karahasan ng estado ay pagbubukas ng pintuan para sa muling paghahari ng tiranya at kawalan ng katarungan.
Sa kabila ng patuloy na pagbabaluktot ng kasaysayan at pagtatakip sa mga krimen ng gobyerno, ang paggunita ng Martial Law ay hindi lamang simpleng pag-alala kundi isang aktibong panawagan, paninindigan, at paglaban. Panagutin ang pamilyang Duterte at Marcos! Panagutin ang buong estrukturang pasista na nagtatanggol sa patuloy na pang-aabuso sa kapangyarihan! Ipagtanggol ang karapatang pantao, singilin ang mga mamamatay-tao!
Never Again, Never Forget!