19/05/2026
Lahat tayo ay apektado ng krisis ngayon - Ikalawang Yugto
Hindi madali pero para sa kanila, mahalaga na meron silang consistency sa pag-iipon. At kasama na rin sa kanilang diskarte sa pag-iipon ang magbawas ng gastusin. Imbis na makipagsabayan sa iba, binibili lang nila ang mga bagay na mahalaga at may pakinabang. Alam nating lahat na kapag mas mababa ang ginagastos natin, mas magkakaroon tayo ng ekstrang pera na pwede nating ilagay sa savings account. Halimbawa, kung gumagastos ka ng 3,000 pesos sa mga non-essential items tulad ng madalas na pagkain sa labas at subscriptions, ang pagbawas nito sa 1,500 pesos ay magbibigay sa iyo ng 1,500 na pwedeng ipunin buwan-buwan.
Kapag hindi tayo long term mag-isip, maliit lang ang halaga na ito. Pero kung sakaling iniipon mo ang 1,500 pesos kada buwan sa loob ng isang taon, ang halaga na maiipon mo ay aabot sa 18,000 pesos. At sa loob naman ng limang taon ay meron ka ng 90,000 pesos. Sa simpleng pagbabawas ng gastusin, mas malaki ang posibilidad na makapag-ipon kahit hindi pa nagbabago ang sahod. Gayunpaman, hindi ito nag-iisang solusyon para sa lahat dahil kung sobrang liit ng iyong kita, At sapat lang para sa pagkain, renta at basic na pangangailangan, limitado lang din ang epekto ng pagbabawas ng gastusin.
Kaya mahalagang tignan ito bilang isang bahagi ng mas malawak na financial strategy. Tandaan na kahit mahalaga ang magbawas ng gastusin, meron lang itong hangganan. Mahalagang maging balanse ang ating approach dahil ang sobrang pagtitipid ay maaaring magdudulot ng stress o pagbaba ng kalidad ng ating buhay. lalo na kung naaapektuhan ang mga pangunahing pangangailangan tulad ng sapat na pagkain o kalusugan. Sa halip natanggalin lahat ng discretionary spending, mas epektibo ang control at mag-prioritize. Piliin kung alin sa iyong expenses ang talagang nagbibigay ng value at alin ang pwedeng bawasan. Kung gusto mong maging consistent sa pag-iipon and at the same time ay nakakahinga ka pa rin ng maayos, ang ibang approach ay palakihin mo ang iyong income.
Number 2. Dagdagan mo ang iyong income source. Malaking tulong ang pagbabawas ng gastusin lalo na kung madalas tayong napapagasto sa mga bagay na hindi masyadong kailangan. Dito rin tayo magkakaroon ng disiplina sa paghahawak ng ating pera.
Pero kahit mahalaga ito, marami sa atin ang nakakaranas na kahit anong bawas natin ang gastusin, short pa rin tayo sa pera at hirap makaipon. Sa ganitong kalagayan, kailangan mo nang mag-focus sa pagpapalago ng iyong income. Kapag merong krisis, expected natataas ang presyo ng mga bilihin, maraming mga negosyo ang titigil muna sa pag-operate, at maraming mga empleyado ang mawawala ng trabaho o mababawasan ang oras ng trabaho. Kaya kung umaasa ka lang sa isang source of income ngayon, napakahalagang i-consider mo na dagdagan ito. Ang kagandahan kapag meron kang dobling mapagkukuna ng pera, Hindi ka masyadong mangangamba kung sakaling hindi stable ang takbo ng ekonomiya o kung nagkaroon ng emergency dahil meron kang safety net na masasandalan at hindi rin gaanong maaapektuhan ang iyong pag-iipon. Halimbawa, kung kumikita ka ngayon ng 18,000 pesos kada buwan at dito mo kinukuha ang pang-araw-araw mong gastos tulad ng pagkain, pamasahe, internet at iba pang bills, Medyo limitado ang matitira para sa iyong ipon kung ito lang ang source of income mo, lalo na kung sabay na nagtaasa ng presyo ng mga bilihin.
Pero kung meron kang sideline, halimbawa nagbibenta ka ng pagkain online tuwing weekend at kumikita ka ng ekstra 3,000 to 5,000 pesos kada buwan, pwede mo itong ilagay sa iyong ipon o emergency fund. Dahil dito, kahit magamit mo yung main income mo sa essentials, maihiwalay kang pera na napupunta sa ipon. Maraming paraan kung paano dagdagan ang ating income, lalo na sa panahon ngayon na merong internet. Kaya mong magsimula ng side business gamit lang ang maliit na puhunan at kahit nasa bahay ka lang.
Ang kailangan mo lang gawin ay alamin kung ano ang demand o hinahanap ng mga tao at gamitin mo ang iyong skill para makapagbigay ng serbisyo sa iba. Ang pagdagdag ng income source ay hindi lang tungkol sa pera kundi tungkol din ito sa pag-explore ng bagong opportunity. pagdevelop ng bagong skill, pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at mabilis na pag-abot ng iyong financial goals.
Number 3. Gumawa ka ng system sa pag-iipon. Lahat ng goal at pangarap na gusto nating maabot ay merong proseso.
⁃ Abangan ang karugtong sa huling yugto
Billy Aspa
Licensed Financial Advisor
Mobile #: 09085286810
Email: [email protected]
Check out my digital business card for a quick look at my services and portfolio.
Click the link https://hihello.me/p/b07fc5a5-309c-4de6-9257-f6e79fe58f96