Michael Angelo M. Medina

Michael Angelo M. Medina “I can do all things through Christ who strengthens me” Philippians 4:13.

Lahat ng bagay ay may katapusan pero hindi lahat ng katapusan ay malungkot. ❤️🔥🪴Minsan, ito’y simula lang ng panibagong ...
01/05/2025

Lahat ng bagay ay may katapusan pero hindi lahat ng katapusan ay malungkot. ❤️🔥🪴

Minsan, ito’y simula lang ng panibagong kabanata.❤️🔥🪴

Habang nagtatapos ang isang yugto, panibagong pag-asa at oportunidad naman ang naghihintay. ❤️🔥🪴

Kaya sa halip na paalam na may lungkot, magpasalamat tayo sa naging paglalakbay, at maging excited sa susunod na hakbang. ❤️🔥🪴

Ang bawat katapusan ay daan tungo sa mas maganda.
❤️🔥🪴

Maraming salamat sa inyong lahat sa suporta, pagmamahal, at samahan. Hindi ko ito malilimutan. ❤️🔥🪴

“Sa bawat bagay ay may panahon, isang takdang oras para sa bawat gawain sa ilalim ng langit.” ❤️🔥🪴
Ecclesiastes 3:1

Semana Santa is more than just a break from work or school it’s a time to pause, reflect, and reconnect with what really...
17/04/2025

Semana Santa is more than just a break from work or school it’s a time to pause, reflect, and reconnect with what really matters. ❤️🔥🪴

Yung love ni God para sa atin is unconditional proven through Jesus sacrifice. ❤️🔥🪴

Kahit gaano kahirap ang pinagdadaanan mo ngayon, remember there’s always hope. May purpose ang pain, and may victory after every struggle just like the cross and the resurrection. ❤️🔥🪴

So this week, choose to grow, to forgive, to love, and to trust God more. You’re not alone. ❤️🔥🪴

May this week renew your strength and fill you with peace ❤️🔥🪴

Panginoong Diyos,Ayokong mamuhay nang walang direksyon.Ayokong sayangin ang buhay sa takot, duda, o pag-aalinlangan. Kay...
12/04/2025

Panginoong Diyos,

Ayokong mamuhay nang walang direksyon.
Ayokong sayangin ang buhay sa takot, duda, o pag-aalinlangan. Kaya ngayong oras na ito, lumalapit ako sa Iyo
handa, bukas, at determinado. ❤️🔥🪴

Ituro Mo sa akin ang landas na nais Mong tahakin ko.
Hindi ko kailangang malaman ang lahat ng detalye,
basta’t sigurado akong kasama Kita sa bawat hakbang.
Panginoon, putulin Mo ang mga hadlang alinmang takot, maling relasyon, o kasinungalingan ng mundo
na humahadlang sa layunin Mo sa buhay ko. ❤️🔥🪴

Ihanda Mo ako para sa mas malawak na misyon.
Bigyan Mo ako ng lakas na tumindig kahit ako’y mag-isa,
ng pananampalatayang hindi natitinag, at ng tapang na sumunod sa Iyo, kahit mahirap, kahit masakit. ❤️🔥🪴

Panginoon, gamitin Mo ako, Ang buhay ko’y Iyo.
Gawin Mo akong liwanag sa iba tagapagdala ng pag-asa, direksyon, at inspirasyon sa mga nawawala.❤️🔥🪴

Huwag Mo akong hayaang manahimik sa oras na kailangang magsalita. Huwag Mo akong hayaang tumalikod sa oras ng laban. ❤️🔥🪴

Ito na ang panahon, Panahon para lumakad sa layunin.
Panahon para sundin ang kalooban Mo.
Panahon para mamuhay nang may direksyon, may sigla, may pananampalataya. ❤️🔥🪴

At sa lahat ng ito, Ikaw lamang ang itataas. Sa makapangyarihang pangalan ni Hesus,

Amen. ❤️🔥🪴

Manalangin ka nang may tiwala, hindi may duda. ❤️🪴Ang taong nag-aalinlangan, hindi makakatanggap. ❤️🪴Walang direksyon,wa...
09/04/2025

Manalangin ka nang may tiwala, hindi may duda. ❤️🪴

Ang taong nag-aalinlangan, hindi makakatanggap. ❤️🪴

Walang direksyon,
walang pwersa,
walang breakthrough. ❤️🪴

Pero ang naniniwala gumagalaw
ang langit para sa kanya. ❤️🪴

Buong tiwala. Buong loob. Buong pananalig. ❤️🪴

‘Yan ang susi sa imposible. ❤️🪴

Panginoon,

palitan Mo ang pagdududa ko ng matibay na pananampalataya. ❤️🪴

Itama Mo ang puso ko para magtiwala sa plano Mo, kahit hindi ko pa ito nakikita. ❤️🪴

Gabayan Mo ang isip ko, at bigyan Mo ako ng lakas na manatiling tapat at buo ang loob. ❤️🪴

Alam kong gumagalaw Ka, at sa’Yo ko ibinibigay ang lahat. ❤️🪴

Sa pangalan ni Jesus, Amen. ❤️🪴

Family, it’s time for a shift not just in mindset, but in movement. ❤️🪴When we align ourselves with God’s purpose, every...
08/04/2025

Family, it’s time for a shift not just in mindset, but in movement. ❤️🪴

When we align ourselves with God’s purpose, everything changes. ❤️🪴

We don’t just go through the motions we move with clarity, with confidence, and with God’s favor covering every step. ❤️🪴

This week is not just filled with events it’s filled with divine appointments. ❤️🪴

Every meeting, every forum, every opportunity is a chance to grow, to connect, and to fulfill the calling God has placed on our lives. ❤️🪴

“Commit to the Lord whatever you do, and He will establish your plans.” Proverbs 16:3 ❤️🪴

Let’s walk together in faith, in excellence, and in obedience. ❤️🪴

Not just for ourselves, but for the people God has assigned to our influence. ❤️🪴

The direction is clear. ❤️🪴

God is already ahead of us

let’s follow His lead, move with purpose, and expect His blessings to overflow. ❤️🪴

This is your season. Walk in it. ❤️🪴

❤️🪴Sa harap ng mga pagsubok, tandaan na hindi mo kailangang labanan mag-isa. 🙏🚀❤️🪴Ang Diyos ang makikipaglaban para sa i...
03/04/2025

❤️🪴Sa harap ng mga pagsubok, tandaan na hindi mo kailangang labanan mag-isa. 🙏🚀

❤️🪴Ang Diyos ang makikipaglaban para sa iyo. Magtiwala sa Kanyang plano, magpatahimik, at hayaan Siyang kumilos.🙏🚀

❤️🪴Manatiling kalmado, at ang Diyos ay magdadala ng tagumpay. 🙏🚀

Panginoon,

Salamat po sa inyong pangako sa Exodus 14:14, na ikaw ang makikipaglaban para sa akin. Sa mga oras na ako’y nahihirapan, naguguluhan, o nanghihina, tulungan Mo po akong magpatahimik at magtiwala na ikaw ang gumagalaw sa likod ng lahat ng ito.

Ipaalala Mo sa akin na hindi ko kailangang labanan ang bawat pagsubok mag-isa. Ang iyong lakas ang kailangan ko. Bigyan Mo ako ng kapayapaan na maghintay sa iyong tamang panahon at lakas ng loob na magtiwala sa iyong plano.

Inaalay ko sa Iyo ang lahat ng aking takot at pag-aalala, at naniniwala akong ikaw ang magdadala ng tagumpay sa buhay ko.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

❤️🪴

❤️🪴Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagsubok at takot. Minsan, pakiramdam natin ay mag-isa tayo sa laban, pero ipinaalala s...
01/04/2025

❤️🪴Sa buhay, hindi maiiwasan ang pagsubok at takot. Minsan, pakiramdam natin ay mag-isa tayo sa laban, pero ipinaalala sa atin ng Diyos na hindi Siya kailanman mawawala sa tabi natin.

Siya ang ating lakas kapag tayo’y nanghihina, ang ating sandigan kapag pakiramdam natin ay susuko na tayo.

Kaya sa halip na matakot, magtiwala.

Sa halip na panghinaan ng loob, panghawakan ang pangako ng Diyos.

Hindi Niya tayo iiwan o pababayaan.

Anuman ang haharapin mo ngayon, tandaan mo may Diyos kang kasama.

Humakbang nang may tapang, dahil hawak ka ng Panginoon.

Panginoon,

Salamat dahil hindi Mo ako iniiwan.

Sa tuwing nakakaramdam ako ng takot o pangamba, ipaalala Mo sa akin na Ikaw ang aking lakas.

Tulungan Mo akong magtiwala sa Iyo kahit hindi ko alam ang mangyayari.

Gabayan Mo ako sa tamang landas, at bigyan ako ng kapayapaan sa puso.

Nawa’y maging daluyan din ako ng Iyong liwanag sa iba. Salamat sa Iyong pagmamahal at katapatan.

Sa pangalan ni Jesus, Amen ❤️🪴

Ang buhay ay puno ng pagsubok, pero hindi kailanman tayo nag-iisa.Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon pagod, takot, o pag...
27/03/2025

Ang buhay ay puno ng pagsubok, pero hindi kailanman tayo nag-iisa.

Anuman ang pinagdadaanan mo ngayon pagod, takot, o pag-aalinlangan tandaan mong kasama mo ang Diyos.

Siya ang gumagabay at nagpoprotekta sa’yo, tulad ng isang pastol sa kanyang mga tupa.

Kaya kapit lang! Huwag matakot sa bukas dahil hawak ng Diyos ang iyong buhay.

Magpatuloy nang may tapang at pananampalataya, dahil hindi ka kailanman pababayaan ng Panginoon.

Panginoon, salamat po sa Iyong walang hanggang pagmamahal at gabay. Sa gitna ng mga pagsubok, ipaalala Mo po sa akin na hindi ako nag-iisa. Bigyan Mo po ako ng lakas ng loob upang harapin ang anumang hamon at pananampalatayang lubos na nagtitiwala sa Inyong plano. Ingatan Mo po ang aking puso at isipan, at patuloy Mo akong gabayan sa tamang landas. Sa pangalan ni Jesus, Amen.

Panginoon,Salamat sa bagong araw na ito at sa pangakong kapag kami ay nagtitiwala sa Iyo, muli Mong pinapalakas ang amin...
26/03/2025

Panginoon,

Salamat sa bagong araw na ito at sa pangakong kapag kami ay nagtitiwala sa Iyo, muli Mong pinapalakas ang aming loob. Kapag kami’y napapagod, Ikaw ang nagbibigay ng bagong sigla. Kapag kami’y nahihirapan, Ikaw ang nagtutulak sa amin upang lumipad tulad ng agila, taas-noo at puno ng pananampalataya.

Bigyan Mo kami ng lakas upang magpatuloy sa landas na Iyong inilaan para sa amin. Tulungan Mo kaming huwag sumuko, kahit sa mga pagsubok at kabiguan. Patatagin Mo ang aming puso, palakasin Mo ang aming loob, at ipaalala Mo sa amin na kasama Ka namin sa bawat hakbang.

Pinupuri Ka namin at ipinagkakatiwala ang aming araw sa Iyo.

Sa pangalan ni Jesus, Amen.

As you step into this day, remember that you are never alone. No matter what challenges you face, God promises to be you...
25/03/2025

As you step into this day, remember that you are never alone. No matter what challenges you face, God promises to be your strength, your helper, and your protector.❤️🌿

His righteous hand upholds you, guiding you through uncertainty and lifting you above every fear.❤️🍃

Whatever comes your way today, trust in His presence. Let go of doubt, walk in faith, and embrace the peace that only He can give. ❤️🪴

You are loved, you are covered, and you are strong through Him.❤️🌱

Have a blessed and victorious day ❤️🌺

Anuman ang pinagdadaanan mo, anumang pangarap ang nasa puso mo, ipanalangin mo. ❤️🌿Hindi laging instant ang sagot, pero ...
24/03/2025

Anuman ang pinagdadaanan mo, anumang pangarap ang nasa puso mo, ipanalangin mo. ❤️🌿

Hindi laging instant ang sagot, pero laging tamang-tama ang plano ng Diyos. ❤️🍃

Minsan ang sagot ay ‘oo,’ minsan ‘hindi pa ngayon,’ at minsan ‘may mas mabuti Ako para sa’yo.’ ❤️🌱

Pero isang bagay ang sigurado lagi Siyang nakikinig. ❤️🪴

Kaya patuloy kang manalangin, magtiwala, at kumilos ayon sa Kanyang gabay. ❤️🌿

Sa tamang panahon, makikita mo kung paano gumalaw ang Diyos sa buhay mo. ❤️🪴

Address

Quezon City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Michael Angelo M. Medina posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share