23/02/2025
Marame talaga ang hindi binibigyan pansin ang Life and Health Insurance.
Meron ako dalawang matatalik na kaibigan since birth ang isa ay direktor nang isang malaking kumpanya at ang isa naman ay may hawak nang mallit na pwesto sa palengke. Pangalanan naling silang Bigboss at Manedyer.
Minsan nagkainuman kame ay nagtanong sila sa aken kung ano daw trabaho ko at nasabe ko na ako lang naman ay isang lisensyadong financial advisor.
Minsan ko na sila inalok sa messenger kase nga kakapasok ko lang sa number one insurance company. Seen lang ako ni Bigboss samantala si manedyer ay nagsabe na pagusapan daw namen kapag nagkita kame kc may ilan lamang siya katanungan.
Habang nagiinuman kame ay inopen ni manedyer yun diskusyon sa insurance dahil nga pumayag na daw yun asawa niya.
Manedyer: Pare, ano ba maganda ioffer o sa aken para sa sekuridad ko at nang pamilya ko
Financial Advisor: Pare, ooferan kita nang isa sa mga produkto namen na malaki ang sum assured at may fund value na tinatawag. ito yun .......
(Bigla pumasok si Bigboss, palaguin mo nalang negosyo mo pareng manedyer para masuportahan mo yun lahat nag luho nang pamilya mo kase ako wala ako tiwala sa mga insurance na yan dahil peperahan ka lang nila lalo na ang mga ahente)
Nagkatinginan lang kame ni Manedyer at sumagot siya..
Manedyer: Pareng Bigboss..wala mo naman lahatin kc kaya nga tayo may kaibigan na binibigyan tayo nang sekuridad sa buhay. Kung hindi ak intersado pwede ka lang naman makinig kc minsan lang naman tayo magkita. (Sabay ngiti kay Financial Advisor)
Bigboss: Bahala kayo mga pare basta ako hindi ako naniniwala sa insurance
Manedyer: Pare Financial Advisor, Gusto ko yan offer mo, bigyan moko proposal at computation na monthly payment kase di ko ang yearly alam mo naman may binabayaran ako mga gulay, isda at baboy pangtinda sa pwesto ko sa palengke
Financial Advisor: Okay pare actually meron nako proposal sayo at computation nakasave sa email nang cellphone ko. wait send ko sayo now.
Manedyer: ahahaha,,iba ka talaga pareng Financial advisor..laging handa parang sundalo at pulis
Nagtawanan yun tatlong magkukumpare nang malakas
Manedyer: okay to pare ha, tumtubo ang ang pera ko. wait send ko kay misis
Habang naghihintay bumanat si Bigboss...
Bigboss: kung sa tingin mo na maganda yan offer kumuha kana ngayon ang hamon tila nagyayabang, basta ako di tiwala sa mga ganyan kc malaki na ipon ko at marame nako naipundar.
Manedyer: di kumibo at maya maya lang tumawag yun misis. lumayo si manedyer sa pwesto tila nagaalangan kc kulang yun dala niya pera. yun pala nagpapacash in siya sa asawa sa tindahan. at nang bumalik, pareng Financial advisor saan ako magbabayad ngaun sayo ba?
Financial Advisor: Ay hindi pare, bawal sa amen tumanggap nang pera..process ko muna itong tas lalabas yan kung san ka magbabayad kc may payment code yan sa policy mo
At nagkatapos na nga sila sa usapan dahil nagbayad online na si manedyer at tuloy ang kasiyahan. Maya maya lang...
Financial Advisor: congrats pareng manedyer, you are now insured sabay nagkamayan sila.
Manedyer: Ay oo nga, may natanggap ako policy confirmation sa email ko. matutuwa si misis nito.
After 6 years, sa di sinasadya na pangyayare. matagal na pala na ICU si Bigboss dahil sa malalang saket, nang dinalaw namen ni pareng manedyer..nakita namen na mukhang gusgusin na yun mga anak sa labas nang ICU at tila gutom na gutom.
Sabe ni Mare, mga pareng anytime pwede na tayo iwan ni pareng Bigboss. Walang wala na kame kc ubos lahat pera sa bangko, nabenta na yun 2 condo, 5 kotse, mga mamahaling gamit sa bahay tas nakasanla na den yun bahay namen sa bangko. di ko na alam san kukunin ang pambayad sa ospital at panlibing sabay iyak.
Nagambagan kame ni pareng manedyer para maitawed lahat nang kulang sa ospital at panlibing. After nang libing umuwe na sa probinsya ang pamilya ni pareng Bigboss para lumaban sa buhay.
2 years after, sa di inaasahan na pangyayare nanaman ay naaksidente yun sasakyan ni Pareng Manedyer kakakaangkat nang paninda niya sa pwesto niya at sa sinamang palad namaalam na den siya. Umuwe Manila and Pamilya ni pareng Bigboss para lang makipaglibing sa pamilya ni Manedyer. Kase magkababata nga kaming tatlo tas naging magkukumpare
Asawa Ni Bigboss: nakikiramay kame mareng manedyer, kaya mo yan masakit talaga mawalan nang katunggali sa buhay.
Nagulat si asawa ni bigboss kase ang gara nang ataol at magagara pa libing kahit nakacremate pa si manedyer yun pala pinaghahandaan na pala nila yun libingan nuon pa.
(Nakita Nang Asawa ni bigboss papalapit ako sa asawa ni manedyer) Nagusisa...
Financial Advisor: Mare, nakahanda na yun Resto para sa mga pumunta sa libing. at ito nga pala yun bagong policy mo at sa mga bata sa insurance.
Mareng Manedyer: Salamat pare ha, malakilaki din naiwan ni Pare mo sa amin dahil sa insurance na nakuha niya kaya kumuha na den ako para sa mga anak namen. Yun iba natirang pera gagamitin ko sa pagpatayo resto kase malaki din naman naipon ni pare mo.
Mareng Bigboss: Ay mare, buti pala napaghandaan na ni pare ang future niyo, kase kame wala na talaga nagsasaka nalang kame sa bakanteng lupa malapit sa bahay nang byenan ko. Pareng Financial Advisor, bakit di mo naalok si Bigboss nang Insurance kagaya kay Paeng Manedyer?
Financial Advisor: Actually mareng Bigboss, inalok ko din siya sabe niya hindi daw siya interesado sa insurance mare
*Lesson Learnt: May mga bagay talaga tayo binabalewala kase nga maganda pa ang pamumuhay pero kapag napaglanuhan mo lahat ay sigurado kana di mo maiiwanan nang kahirapan ang mga mahal mo sa buhay