14/06/2022
For your information ๐ Please Read
Isa sa mga dahilan kung bakit maraming Pinoy ang ayaw o allergic sa life insurance ay dahil sa nangyari sa CAP at ibang pre-need companies noon.
Hindi naging maganda ang investment ng CAP dahil ito ay nagfocus sa real estate (illiquid asset) na hindi madaling ibenta. Dagdag pa dito ay naapektuhan din sila nang hindi napigilang pagtaas ng tuition fee sa mga paaralan.
Hindi ko naman kayo masisi kung natatakot na kayo na baka mangyari ulit ito.
Ngunit gusto kong lang malaman niyo na magkaiba po ang pre-need company at life insurance company. Kung ang dahilan kung bakit ayaw mo sa life insurance ay dahil takot kang masayang ang pera mo at mauwi sa wala ang investment mo, inuulit ko lang po, magkaiba ang life insurance company sa pre-need company. Hindi life insurance ang pre-need plan.
Sa katunayan, marami itong pagkakaiba.
1. Bago magsara ang ilan sa mga pre-need companies noon, ang mga ito ay nasa regulasyon ng Securities and Exchange Commission (SEC) habang ang mga life insurance company naman ay nasa regulasyon ng Insurance Commission (IC).
2. Ang mga pre need companies ay local, habang karamihan naman ng mga insurance companies ay international at kilala sa buong mundo.
3. Ang mga pre-need companies ay nag ooffer ng open ended plans. Ipapromise nila na sila ang magbabayad ng tuition fee, pension o memorial services, etc. mo in the future. (But promises are meant to be broken.. Jk ๐
) habang ang life insurance naman ay may guaranteed face amount, non guaranteed dividends o fund value ng iyong investment.
4. Kadalasan, ang pangalan ng mga pre need companies ay nagtatapos sa โplanโ habang ang pangalan ng insurance companies ay nagtatapos naman sa โlifeโ.
Halimbawa:
Pre need: College Assurance Plan, Pacific Plans, PhilPlans
Life Insurance: Sun Life, Philam Life, Pru Life, Manulife
Marami pa itong pagkakaiba. Sana tayo po ay makapagbasa at matuto pa para mabuksan ang ating isip sa importansya at mga benepisyo ng life insurance sa atin at sa ating mga mahal sa buhay.
Kasi kapag tayo biglang nawala, paano na lang ang mga maiiwan nating mahal sa buhay? Maganda kung pera ang maiibibigay at maiiwan natin sa kanila di ba? Kaysa naman utang ๐