13/11/2016
4 TYPES OF NETWORK MARKETERS:
1.) Leaders - they mean business. Motivated, well driven, and they aim to have a BIG ORGANIZATION. Leaders have a good listening and learning attitude, meaning willing makinig at magpaturo then apply kagad. They value their time and other people's time that's why they don't have time to waste TIME. (Y)
2.) Boy Gigil - First Day, First Week, First Month wala ibang bukang bibig kundi "Upline, gigil ako! Gigil na gigil ako!" Meron pa iba ang sabi "Upline, ako ang leader na matagal mo ng hinahanap! Ako nag magfa-flushout sayo!" HAHAHAHAHA. Beware sa mga ganitong tao, kadalasan sila yung unang nawawala sa negosyo.
3.) Fans Club - Eto yung mga downlines na naka-attend na ng napakaraming trainings about Business Presentation, New Distributor's Orientation, Effective Presentation, Online Marketing, Road to Success, M.A.M/Follow-Up Training, etc, pero hanggang ngayon "soul searching" pa din. Mga kuntento na sa 1K per day. Makikita mo sila na masaya na silang tagapalakpak sa M.A.M (Meeting After Meeting/Bilog) at sa mga events.
4.) Donators - Kung sa baraha may JOKER, sa network marketing naman may mga DONATORS. Eto yung mga tao na pagkasali, kinabukasan hindi na nagpakita. Akala yata nila tatakbo magisa ang negosyo nila. Ang malupit after 6 months i-PM ka sa Facebook at tatanungin ka na "Bakit wala pa akong kita na milyon milyon katulad mo?" Ang malupit nito siya pa ang galit. 😀
We are all DIFFERENT. Walang masama maging BOY GIGIL, dati akong ganyan puro GIGIL hanggang sa inasar ako sa pagiging FAWER RANGER. Sabi ng mentor ko, "Bro importante na gigil ka, motivated ka, pero mas importante na nalalagay mo yan sa actions tapos nagiging PRODUCTION."
Walang masama sa pagiging FANS CLUB, dati na din akong ganyan pero ang masama ay ang makuntento sa pagiging FANS CLUB. Hindi ka na nag-grow into something better kasi pumasok ng maaga ang contentment.
Walang masama sa pagiging DONATOR. As long as alam mo ung consequence ng action at decision mo. Naniniwala ako hindi mo kagustuhan kumita dahil hindi mo naman inalam kung paano kumita. Lalong hindi mo deserve kumita kasi wala ka naman ginagawa para kumita. 😀
SHARE IF YOU AGREE! (Y)