24/02/2026
Magandang araw, mga Ka-NEAP!
Ipinaaalam po sa lahat ng NEAP-Beneficiaries na ang LANDBANK – Filipiniana Branch, Calapan City ay hindi muna tatanggap ng mga estudyante mula Lunes hanggang Biyernes.
Napagkasunduan ng aming tanggapan at ng nasabing bangko na ang bawat paaralan ay bibigyan ng nakatakdang iskedyul tuwing Sabado para sa pagbubukas ng inyong account.
Mangyaring maghintay ng anunsyo mula sa inyong NEAP Coordinator hinggil sa tiyak na araw ng inyong schedule.
Paalala: Huwag po kayong pupunta sa bangko kung hindi Sabado at kung hindi nakatakda ang inyong iskedyul.
Maraming salamat po sa inyong Malawak na Pag-unawa.