24/11/2023
Ang kahirapan at problima ay pwede mapamana, kaya maghanda para sa future...
Madalas ko makita itong picture na to...
Na parang sinasabi na walang pagkakaiba ang mayaman sa mahirap.
Agree naman ako dyan lalo na kung paguusapan ang kamatayan at Salvation.
Pero kung usaping pera may nakikita akong pagkakaiba...
Karamihan ng kilala kong mahirap na hindi nagprepare, problema ang naiwan sa pamilya. Pampalibing, burol , worst pambayad sa ospital kung matagal nalaConfine bago namatay.
Karamihan naman ng kilala kong mayaman nung mamatay naihanda ang lahat. Hindi problemado ang pamilya, hindi kailangang mangutang ng mga anak.
Pero may mga kilala naman ako ng mamatay, may mga naiwan nga sa pamilya pero pinagaway- awayan ng mga naiwan.
Payo ko lang maghanda para sa Future. Hindi madadala sa hukay ang pera pero pwede makatulong sa pamilyang naiwan. Hindi madadala sa langit ang yaman, pero pwede mo iwan sa Pamilya o sa napiling charity o organization.
Mamatay din naman tlga tyo sa dulo, ayusin na lang natin kasi tandaan, hindi lang yaman ang minamana, pati kahirapan at problema. Kaya maawa ka sa mga anak mo at asawa mo...
Maghanda ka...