19/12/2023
Sunud-sunod naman, sana po ay tama na po. 🙏🙏🙏
Mahirap pag dinaanan ka ng mga biglaang pagsubok, tapos wala ka hawak na pera, pakiramdam mo ay para ka na lang dahon na susunod sa agos ng tubig kase di ka makagalaw..
Mahal magkasakit🥲, pag minalas malas pa at tumagal ang pagkakasakit, tigil ang iyong income, habang tumataas ang mga bayarin, kakapanglumo😔
Sa “LIFE” ay may “IF” What If
*kung ikaw ay mawala ng maaga, tapos ikaw ang bread winner, ay tapos! Paano ang mga umaasa sa iyo lalo na kung silay wala pang kakayahang mabuhay ng sila lamang?
What IF
* mabuhay ka ng napakatagal, naka retire ka na nga, maaring nakakuha ka ng malaking pension, ay kapatid, tuloy ang buhay, araw araw may gastos, paano kung after 65, may 20years ka pa palang itatagal, kasya kaya ang iyong mga retirement fund? Tapos dun ka pa mas vulnerable, magaling nga kung may anak na susuporta🥲
What IF
*Maaksidente? O Tuluyan ng di makapaghanapbuhay…Ay paano?
Hindi naman natin hawak ang buhay, tama ka dun.. pero kung kaya mo magsigurado aba’y gawin mo na! Ano ga naman yung ilang porsyento ng kita mo para sa “IF” ng “LIFE”??
Tandaan, mura ang mga bagay pag di mo pa kailangan!
Kaya grateful ako na nasumpungan ko ang . Minsan ay challenge din ang pagbabayad ng mga insurance pero sinisigurado ko bayad ang mga policies ko. Ay kung may mangyare at lapsed? Ay di iyak😭Maaring nasabi ko mabigat at mahal din mag maintain ng bayarin na para bang walang tapos😄 pero mas mainam na yun meron kami habang di pa sya kailangan kesa kailangan na pero wala kami. Lahat kami sa pamilya meron na, hindi lang isa, kundi higit pa.
Bilang financial advisor, ito ang aking adbokasiya, makatulong makasalba ng buhay sa pamamagitan ng insurance sa panahong magkabiglaan..
Isip isip din mga bes☺️
UsapTayo
❤️
Barbie Baraquel Luzon