27/08/2025
Noong sumali ako sa company as a licensed financial wealth planner, akala ko dati trabaho ko lang ay mag offer ng insurance plans. Pero habang mas marami akong nakakausap at naririnig na kwento, narealize ko na hindi lang pala produkto ang binibigay namin.
Ang totoo, we don’t just talk about insurance, we talk about life. We talk about your family, your dreams, your business, at yung future na gusto mong siguraduhin.
At may isang bagay din akong narealize. Kapag may financial wealth planner na lumapit sayo, hindi ibig sabihin may problema. Hindi rin ibig sabihin na negative ito. In fact, it means na ikaw ay healthy, ikaw ay capable, at ikaw ay nasa perfect time to plan. Kasi ang pagpa plano, ginagawa habang malakas pa tayo, habang kaya pa nating mag provide, at habang malaki pa ang mga pangarap natin para sa pamilya.
Kaya malinaw sa akin ang mission ko. Hindi lang basta mag offer ng insurance, kundi tumulong gumawa ng funds na makakapag protect ng pinaghirapan mo, makakasuporta sa pamilya mo, makakatulong sa mga pangarap mo, at magbubukas ng daan para sa financial freedom.
In the end, it’s not about selling. It’s about caring enough to secure what matters most. Dahil ang buhay mo, ang pangarap mo, at ang pamilya mo, deserve na maprotektahan.