05/05/2025
ARTICLE:
Bakit napakaimportante ng Emergency Fund para sa isang SEAMAN ???
Alam natin na ang buhay sa dagat ay puno ng pagsubok at very unpredictable. Kaya naman, napakahalaga na maging handa sa anumang emergency.
Paano?
Sa pamamagitan ng pag-iipon for emergency fund.
Ano nga ba ang Emergency Fund?
Ito ay isang savings account na naglalayon na gagamitin lamang sa mga hindi inaasahang pangyayari, tulad ng:
- Biglaang gastusin sa medisina: Sakit, aksidente, o emergency dental procedures.
- Pag-aayos ng bahay: Biglaang pagkasira ng appliance o pangangailangan ng pagkukumpuni.
- Pagkawala ng trabaho: Panandaliang kakulangan ng kita.
- Paglalakbay: Biglang pangangailangan na umuwi o maglakbay dahil sa emergency situation.
Paano Magsimula ng Emergency Fund?
1. Magtakda ng Goal: Magkano ang gusto mong makaipon? Magsimula sa 3-6 na buwan na halaga ng iyong basic expenses.
2. Mag-budget: Alamin kung magkano ang maaari mong itabi kada buwan mula sa iyong kita.
3. Automate your Savings: I-set up ang automatic transfer ng pera sa iyong emergency fund account.
4. Huwag Galawin!: Gamitin lamang ang pera sa totoong emergency.
Bakit Mahalaga ang Emergency Fund?
- Iwas sa Utang: Hindi mo na kailangan mangutang para sa mga emerhensiya.
- Peace of Mind: Magkakaroon ka ng kapayapaan ng loob dahil alam mong handa ka na sa mga hindi inaasahang pangyayari.
- Financial Security: Mas magiging secure ang iyong pananalapi.
Simulan na ngayong mag-ipon! Ang pagtatayo ng emergency fund ay isang investment sa iyong kinabukasan at sa kapakanan ng iyong pamilya.
--------
For your Seaman's Loan inquiries, pls DM, call or text 09173464288.