25/10/2025
Mula sa pagiging simpleng suki ng Alaminos Longganisa ni Ate Jenelyn Gomez Onia umusbong ang isang magandang pagkakaibigan. Tuwing bibisita ako sa Maynila, at kailangan kong magdala ng longganisa bilang pasalubong sa aking mga kapatid at kaibigan o pang-almusal naming pamilya, si Ate Jing agad ang naiisip ko. Alam ko kasing palaging bago at sariwa ang kanyang mga produkto, kaya kampante ako sa kalidad ng longganisang aming kinakain.
Hindi lang sa pagiging suki natatapos ang aming relasyon. Sa bawat pagbili ko, hindi lang ngiti ang inaabot niya, kundi pati na rin mga kwentuhan at panandaliang kamustahan na nauuwi sa mas mahabang pag-uusap. Ganyan kami ni Ate Jing.
Bukod kay Ate Jing, naging malapit din ako sa kanyang manugang na si Ate Rezeel, na kanyang katuwang sa negosyo. Tila lahat na yata ng kanilang mga kasama ay naging kaibigan ko na rin.
Ngayon, hindi na lang ako basta suki. Espesyal ang araw na ito dahil hindi lang kwento ng pagsubok, pag-ahon, at pakikibaka sa buhay ang aming pinag-uusapan. Nadagdagan na ito ng usapan tungkol sa proteksyon ng sarili at pamilya, at kung gaano kahalaga ang insurance. Siya mismo ang nagpatunay kung gaano kalaki ang naitulong ng insurance sa kanila. Ngayon, kapag may tanong siya tungkol sa kanyang insurance, ako ang kanyang nilalapitan. Natutuwa ako na nakakatulong ako upang mas maintindihan niya ang kanyang insurance na nakuha niya noong 2003 at kung paano pa ito makakatulong sa kanya at sa kanyang pamilya.
Nakakatuwa rin na kahit bata pa ang kanyang manugang, nagpaplano na rin itong kumuha ng insurance upang mapaghandaan ang mga hindi inaasahang pangyayari sa buhay, tulad ng pagkakasakit, pagtanda, at ang kinatatakutan nating lahatâang pagpanaw. Ngunit mas nakakatakot daw mawala nang hindi handa, dahil ang kawawa ay ang pamilya niya. Kaya naman, habang malakas at bata pa si Ate Rezeel, pinaghahandaan na niya ang kanilang kinabukasan.
Saludo ako hindi lamang sa kasipagan nina Ate Jing at Ate Rezeel, kundi pati na rin sa kung paano nila mahalin at alagaan ang kanilang mga pamilya.
Para nga pala sa mga gustong bumili ng Alaminos Longganisa, bisitahin lamang si Ate Jenelyn "Ate Jing" Onia sa Stall 44. Panigurado sasalubungin kayo ng kanyang magandang ngiti. đđ