11/08/2026
Year 2019, sabay nag try mag apply ng insurance sina Mama at Papa.
Naalala ko pa noon, sinamahan ko sila sa clinic para sa medical nila. Doctor ni Papa, pinatawag si Mama kasi hindi makasagot nang maayos si Papa. 😆
Baka kinakabahan lang kaya hindi makasagot. Haha!
Unfortunately, hindi maganda ang naging resulta ng medical nila kaya parehong “postponed” ang policies nila.
Ang ibig sabihin ng postponed policy ay binibigyan ka ng insurance company ng chance na magpaka healthy muna, at kapag nag improve ang health condition mo, maaari kang mag try na magpa approve ulit.
We tried again in 2020, pero hindi pa rin.
Tried again in 2021, pero naunahan na si Papa ng cancer hanggang sa pumanaw siya noong 2022. 😢
Pero hindi sumuko si Mama.
Nag enroll siya sa gym.
Nag consult sa nutritionist.
Mula sa yearly check ups, naging quarterly check ups.
Unti unti, nagbago ang lifestyle niya.
From 90 kilos to 55 kilos. 🥹🩷
Mas naging conscious na siya sa mga kinakain niya, kumpara noon na hindi niya masyadong iniisip kung ano ang bawal o dapat iwasan.
Pero kahit ganoon na ang naging improvement niya, 2023, postponed pa rin.
Pero hindi sumuko si Mama.
Until finally, 2024, na approve na siya. 🩷
Sharing this because this is more than just an insurance story.
This is a story of perseverance and hope.
From a Mama who was once nonchalant kung ma approve man siya o hindi, naging isang mapagmahal na ina na naniwala na ang insurance ay isa sa mga paraan para makatulong siyang mabigyan ng mas magandang buhay at mas secure na future kaming mga anak niya.
Thank you, Mama, for showing us what a mother is willing to do for her children.
Hindi man naging madali ang journey, hindi ka sumuko.
And that, for me, is one of the most beautiful things about being a mother. 🩷