UP Academic League of Chemical Engineering Students (UP ALCHEMES)

UP Academic League of Chemical Engineering Students (UP ALCHEMES) UP ALCHEMES is a premier academic organization based in the University of the Philippines Diliman composed of undergraduate students of the ChE program.

University of the Philippines Academic League of Chemical Engineering Students (UP ALCHEMES) is an academic organization primarily composed of undergraduate students of the Chemical Engineering program of the University of the Philippines, Diliman. It is a non-political and non-sectarian student organization under the College of Engineering of the University, and was founded on 13 January 1999.

Today, we commemorate 128 years since the Philippines declared its independence, a moment born from the courage and sacr...
12/06/2026

Today, we commemorate 128 years since the Philippines declared its independence, a moment born from the courage and sacrifice of Filipinos who refused to accept oppression. Our national heroes fought not just for the removal of foreign rule, but for the promise of a nation where every Filipino could live freely with dignity and self-determination.

Let this day be more than a celebration of the past. Let it be a reminder of our role in shaping the nation's future, one where collective action serve the people, especially those who need it most.

Maligayang Araw ng Kalayaan! πŸ‡΅πŸ‡­

Ang tunay na Pride ay hindi ang mga makukulay na parada, bagkus ito ang matapang na protesta laban sa sistema na patuloy...
01/06/2026

Ang tunay na Pride ay hindi ang mga makukulay na parada, bagkus ito ang matapang na protesta laban sa sistema na patuloy na nagkakait ng proteksyon sa mga Pilipinong bahagi ng LGBTQIA+ community.

Dalawampu't anim (26) na taon na ang nakalipas noong unang inihain ang pambansang anti-discrimination bill (SOGIESC Equality Bill) noong taong 2000, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipapasa bilang isang batas. Ang layon nitong wakasan ang diskriminasyon at pagka-api ng LGBTQIA+ community ay hindi isang propaganda na magbibigay ng β€œespesyal na pribilehiyo” kundi ito ay isang pambansang kalasag para sa lahat β€” maging cisgender, heterosequal, o q***r β€” upang matiyak na walang sinuman ang mapagkakaitan ng karapatan dahil lamang sa kanilang kasarian o pagpapahayag ng sarili.

Ngayong unang araw ng Hunyo, tayo ay tumindig nang may taas noong dignidad at pagpapahayag sa sarili. Walang tunay na pag-unlad sa isang lipunang pumipilit sa pinakamahuhusay nitong utak na magtago sa dilim ng takot at diskriminasyon. Kung kaya’t kami sa UP ALCHEMES, batid namin na ang kahusayang akademiko at siyentipiko ay walang silbi kung ito ay bulag sa katarungang panlipunan.Tumitindig kami nang buong-giting kasama ang buong komunidad ng LGBTQIA+ sa laban para sa tunay na pagkakapantay-pantay.

Sa ating mga mambabatas: Tama na ang dalawampu't anim na taong pagkaantala.



Pagpupugay, mga bagong Inhinyero ng Bayan!UP ALCHEMES would like to congratulate and celebrate with its alumni for passi...
27/05/2026

Pagpupugay, mga bagong Inhinyero ng Bayan!

UP ALCHEMES would like to congratulate and celebrate with its alumni for passing the May 2026 Computer-Based Chemical Engineering Licensure Exam (ChELE)!

Out of 565 passers, 9 are from UP Diliman--3 are Alchemists. We also commend our home department, the Department of Chemical Engineering (DChE), for maintaining a passing rate of 100%.

The time you have spent in achieving this milestone has now finally paid off. May you continue making a difference and breaking free as you take on this new role of being an Engineer ng Bayan.

As the crescent moon commences in Eid al-Adha, UP ALCHEMES joins our Muslim brothers and sisters in celebrating the devo...
27/05/2026

As the crescent moon commences in Eid al-Adha, UP ALCHEMES joins our Muslim brothers and sisters in celebrating the devotion and sacrifice shown by Prophet Ibrahim.

May this day remind us of the beauty in selflessness and the power of looking out for one another πŸŒ™

-Adha2026

UP ALCHEMES congratulates its alumni for upholding Academics and Excellence beyond engineering.We commend Horly for bein...
26/05/2026

UP ALCHEMES congratulates its alumni for upholding Academics and Excellence beyond engineering.

We commend Horly for being offered admission to the Juris Doctor program of the University of the Philippines College of Law for AY 2026-2027. This is after passing the Law Aptitude Exam (LAE) and the admission interviews done by the College of Law last March to May 2026.

May you go and continue making a difference and breaking free as you embark this journey.

UP ALCHEMES warmly congratulates the following Alchemists for displaying Excellence in the recently concluded event of t...
17/05/2026

UP ALCHEMES warmly congratulates the following Alchemists for displaying Excellence in the recently concluded event of the Philippine Institute of Chemical Engineers - Junior Chapter Luzon (PIChE-JCL).

We applaud Roxanne, August, and Zel for representing the UP Diliman Department of Chemical Engineering in the 1st PIChE-JCL InChElligience Inter-Collegiate Quiz Bee, where they finished as 1st Runner-Up.

We also recognize Elean and Joghes for their invaluable contributions as coaches of the department's representatives.

All your hardwork and dedication have paid off. May you continue on making a difference and breaking free.

Ngayong unang araw ng Mayo, nakikiisa at tumitindig ang University of the Philippines Academic League of Chemical Engine...
01/05/2026

Ngayong unang araw ng Mayo, nakikiisa at tumitindig ang University of the Philippines Academic League of Chemical Engineering Students, Inc. (UP ALCHEMES) sa ating mga manggagawang Pilipino sa kanilang panawagang makatarungang sahod at dignidad na trabaho.

Sa kasalukuyan, dugo’t pawis ang inaalay ng ating mga manggagawa. Mula sa sektor ng agrikultura na nagbibigay pagkain sa ating mga mesa hanggang sa sektor ng kalusugan na walang tigil sa pag-alalay para sa ating kaginhawaan, maituturing nga na haligi ng ating lipunan ang ating mga manggagawa. Ngunit tila binabalewala ito ng mga nakatataasβ€”pinagsasamantalahan sa anyo ng mababang sahod at kontraktuwalisasyon.

Ang kanilang dugo't pawis ay hindi lamang salita upang ilarawan ang kanilang sakripisyo, kundi ito'y isang realidad na kinakaharap ng bawat mamamayang Pilipino. Higit pa sa mababang sahod at kawalang seguridad sa trabaho, apektado rin ang ating mga manggagawa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at hindi makataong pampublikong transportasyon. Ang kanilang pagod, gutom, at paghihirap ay kailangang bigyang-pansin.

Habang patuloy na binabalewala ng mga hari ng korporasyon ang kapakanan ng ating manggagawa at habang patuloy na nagbubulsa ng pera ang mga kurakot sa gobyerno, hindi kailanman uunlad ang bansa sapagkat patuloy nitong ginigiba ang haligi ng kanyang lipunan.

Sa pagbibigay-pugay natin sa ating mangagawa ngayong araw, sana ay hindi natin kaligtaan ang kanilang patuloy na laban sa kanilang mga karapatan. Ang tunay na pasasalamat lamang ay makakamit kapag ang ating manggagawa ay buhay at nakatindig.



UP ALCHEMES applauds the following Alchemists for displaying excellence even outside of the Chemical Engineering discipl...
28/04/2026

UP ALCHEMES applauds the following Alchemists for displaying excellence even outside of the Chemical Engineering discipline!

We congratulate Kary, Gabby, and Lomi, together with the other Engineering Varsity representatives, for winning First Runner-Up in the Women’s Volleyball Event of the recently concluded UP Diliman Games (DILGAMES). Kary was also named to the Mythical Six as the β€œBest Libero” of the said event for this season.

We also congratulate Chryss, together with the other representatives of the Engineering Varsity, for being the 2nd Runner-Up during the Women's Basketball Event of the DILGAMES.

We also commend Josh, Ronnel, and Grant for representing the College of Engineering as Engineering Varsity players in the Men’s Volleyball Event in the DILGAMES.

Your grit and passion are truly shown in your dedication to win. May you always continue making a difference and breaking free.

26/04/2026
π—›π—¨π—¦π—§π—œπ—¦π—¬π—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 π—žπ—”π—¬ π—”π—Ÿπ—¬π—¦π—¦π—” π—”π—Ÿπ—”π—‘π—’! π——π—˜π—™π—˜π—‘π—— π—‘π—˜π—šπ—₯𝗒𝗦!Lubos na nakikidalamhati at nakikiisa ang University of the Philippines Ac...
25/04/2026

π—›π—¨π—¦π—§π—œπ—¦π—¬π—” 𝗣𝗔π—₯𝗔 π—žπ—”π—¬ π—”π—Ÿπ—¬π—¦π—¦π—” π—”π—Ÿπ—”π—‘π—’! π——π—˜π—™π—˜π—‘π—— π—‘π—˜π—šπ—₯𝗒𝗦!

Lubos na nakikidalamhati at nakikiisa ang University of the Philippines Academic League of Chemical Engineering Students, Inc. (UP ALCHEMES) sa paghingi ng hustisya sa mga buhay na kinitil ng pasistang rehimen, kabilang na rito si Alyssa Alano, isang kapwa iskolar ng bayan. Ang kaniyang pakikipamuhay sa mga magsasaka ng Negros ay pinalitan ng walang habas na karahasan ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Maliban sa kanya, ilan pang aktibista at sibilyan ang pinatay sa komunidad ng Barangay Salamanca, Toboso, Negros Occidental. Umabot sa 19 ang nasawi habang mahigit 600 na residente ang sapilitang lumikas dahil sa trahedya.

Hindi na bago ang ganitong naratibo ng AFP. Pinauulit-ulit ang rasong β€œnanlaban” upang magmalinis at ipangalandakan ang berdugong militar. Patuloy nilang pinipisil ang kultura ng red-tagging sa mga inosenteng mamamayan, aktibista, at mag-aaral. Sa ilang dugong dumanak sa kamay ng militar, hindi mga sibilyan ngunit mga militar ang dapat itanghal na terorista at taksil sa bayan.

Hindi na rin bago ang sitwasyon ng mga Negrense. Dekada na ang paghihirap na kanilang nararanasan mula sa pangangamkam ng lupa at mababang pasahod sa tubuhan. Dagdag pa rito, ang matinding presensya ng militar ang nagpapalaganap ng paglabag sa mga karapatang pantao. Ibinalita noong Enero ang tangkang pagdukot kay Jose Macapobre na isang lider-mangingisda.

Kaya naman, hinding-hindi masisisi na sinuman ang magnanais na tumulong sa lumulubhang kalagayan sa Negros. Ang pakikipamuhay ng ilang mag-aaral tulad ni Alyssa ay siyang tunay na nagpapakita ng pagtindig sa masang api. Ang pagpunta ni Alyssa sa komunidad ng Toboso ay siyang tunay na nagpapakita ng pagiging iskolar ng bayan.

Hangad ng UP ALCHEMES ang pagkamit ng katarungan ng Toboso 19. Bilang mga mag-aaral na may kaugnayan sa industriya ng asukalan, inaasam din namin ang ligtas at makataong pamumuhay ng mga Negrense. Mariin naming kinokondena ang pananakot, pandarahas, at pananamantala sa mga manggagawa’t magsasaka. Kaisa ang aming organisasyon sa panawagang itigil na ang militarisasyon sa Negros.

Pagpupugay sa mga martir ng bayan!



Address

2F West Wing, Melchor Hall, UP Diliman
Quezon City
1101

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when UP Academic League of Chemical Engineering Students (UP ALCHEMES) posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to UP Academic League of Chemical Engineering Students (UP ALCHEMES):

Share