08/06/2022
Bakit nga ba hindi itinuturo sa paaralan ang tungkol sa paghawak ng pera? Ang daming itinuturo pero isa sa mga kailangan talagang matutunan ay ang pag-handle ng pera.
In this blog, let me share with you the negative statements that most unsuccessful people say and how we can change these so we can’t be like them.
Bilang magulang kailangan din na tayo na mismo ang magturo kung paano alisin sa isipan ng ating mga anak ang paniniwala na mahirap maging mayaman.
First statement:
“I CAN’T DO THAT.”
Maaaring hindi tayo expert sa area na ito, pero may ibang mga tao na maaaring makatulong sa atin para magawa ang isang bagay.
Instead of saying I can’t… we ask: How? How can I do that?
Kailangan eager tayong matutunan kung paano malaman ang mga paraan para maabot natin ang gusto natin.
Hindi pwede na nag-aantay na lang tayo na ituro sa atin ang mga bagay, kailangan ay may kusa rin tayo na alamin kung paano madadagdagan ang ating kaalaman.
Huwag nating hayaan na pinapag-aral lang natin ang ating mga anak para maging habang buhay na empleyado. They can go up and they can even become an entrepreneur.
Avoid saying:
“I CAN’T AFFORD THAT.”
“Eh Chinkee hindi naman talaga namin afford bumili nun eh.”
Then, ask…
How can we afford that?
Paano nga ba?
Kung tulala na lang tayo lagi at lagi na lang magtataka kung bakit lahat ng mga kakilala natin ay umuunlad ang buhay at tayo na lang ang hindi, then may mali na.
We need to learn how to plan and how to budget. Hindi pwede na laging nagtataka tayo kung saan napunta ang pera natin buwan-buwan.
We need to be consistent din. Kung gusto natin ng pagbabago at pag-unlad sa sarili, dapat alam natin kung paano ang tamang hawak sa pera.
Kung dati na 10K ang sweldo natin, patong-patong ang utang, ngayon na 20K na ang sweldo natin, puro utang pa rin? Bakit? Anyare? Hahaha..
So never say
“I DON’T HAVE TIME.”
“Wala akong time pag-aralan ‘yan.”
“Waste of time lang kung gagawin ko ‘yan.”
Usually, we make excuses din kasi kapag naiisip natin na mahabang proseso. Gusto natin easy money agad. Gusto natin sure na agad.
But we know the truth!
Walang nagiging successful ng biglaan or overnight lang. Kailangan ng persistence and dedication.
May mga pagkakataon na maaaring magkamali tayo kaya kailangan, buo ang loob natin sa ating papasukin. We should invest sa mga bagay na alam natin.
Kung magaling ka sa drawing, then invest more kung paano mo mas mapauunlad ang skills mo para mas magamit mo ito sa mas magagandang opportunities.
“Never doubt yourself and think poor because you can be a good entrepreneur.”
– Chinkee Tan, Filipino Motivational Speaker
THINK. REFLECT. APPLY.
1. Sa anong larangan ka magaling at mas hilig mong gawin?
2. Anu-ano ang mga seminars o trainings ang napuntahan mo?
3. Paano mo pa mas mapauunlad ang iyong sarili?