20/01/2024
Naranasan mona ba makarinig ng negatibong salita dahil mayroon kang pangarap na mataas, madalas nang-gagaling pa ito sa mga kakilala natin o minsan sa kamag anak pa mismo.
Kung mayroon kang pangarap, huwag mong hayaang mangibabaw ang mga negatibong komento ng iba.
Alam mo ba na ang bawat tao ay may iba't-ibang paniniwala at pananaw sa buhay?
Hindi lahat ng tao ay nakakaintindi sa mga pangarap natin,
minsan maririnig mo sakanila ay
"sus, wala ka naman mapapala diyan"
"nako, sayang lang oras mo ni-hindi ka nga nakatapos"
Hindi natin maiiwasang magbigay sila ng kanilang mga opinyon. Hindi rin natin maiiwasan na may mga taong magbibigay
ng negatibong komento tungkol sa ating mga pangarap lalo na kong ito ay mataas.
Kung talagang naniniwala tayo nakaya natin ito maabot , kailangan nating magtiwala sa ating sarili at sa mga kakayahan natin. Kailangan nating mag-focus sa mga positibong bagay at maghanap ng mga taong magbibigay sa atin ng inspirasyon.
Tandaan din na ang bawat tagumpay ay nagsisimula sa isang pangarap at kasama ng pangarap ay ang paninindigan na hindi dapat isuko.
Rooting for you! Never give up!