13/03/2026
๐๐ ๐ ๐ข๐ญ๐ง๐ ๐ง๐ ๐ค๐ซ๐ข๐ฌ๐ข๐ฌ, ๐ฆ๐๐ก๐๐ฅ๐๐ ๐ ๐๐ง๐ ๐ญ๐๐ฆ๐๐ง๐ ๐๐ข๐ฌ๐ค๐๐ซ๐ญ๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐, ๐ง๐๐ ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ, ๐๐ญ ๐ข๐ฆ๐ฉ๐จ๐ซ๐ฆ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง. ๐๐๐ฌ๐๐ก๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ข๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐๐ค๐ญ๐ข๐ค๐๐ฅ ๐ง๐ ๐ฉ๐๐๐ฅ๐๐ฅ๐ ๐ฉ๐๐ซ๐ ๐ฌ๐ ๐ฆ๐ ๐ ๐๐๐ง๐๐ฒ ๐๐ญ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ฆ๐ข๐ฅ๐ฒ๐ ๐ฎ๐ฉ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ง๐ ๐ก๐๐ง๐๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ญ๐๐ญ๐๐ .
๐๐๐ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐. ๐๐๐ ๐ฉ๐ฅ๐๐ง๐จ. ๐๐๐ -๐ข๐ง๐ ๐๐ญ. ๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฅ.
๐๐๐ฌ๐๐ฆ๐ ๐ง๐ข๐ง๐ฒ๐จ ๐๐ง๐ ๐๐๐๐ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ญ ๐ก๐๐ฆ๐จ๐ง.
๐. ๐๐๐ ๐ญ๐ข๐ฉ๐ข๐ ๐๐ญ ๐ฆ๐๐ ๐ฉ๐ฅ๐๐ง๐จ ๐ง๐ ๐๐ฎ๐๐ ๐๐ญ.
Sa panahon ng krisis, mahalagang maging maingat sa paggastos. Makabubuting gumawa ng simpleng lingguhang household budget at unahin ang mahahalagang pangangailangan tulad ng pagkain, edukasyon ng mga anak, at kalusugan. Iwasan muna ang mga hindi kinakailangang gastos. Kung maaari, magtabi kahit maliit na halaga halimbawa P20 hanggang P50 o higit pa bawat araw bilang emergency savings.
๐. ๐๐๐ ๐ก๐๐ง๐๐ ๐ฌ๐ ๐ฉ๐จ๐ฌ๐ข๐๐ฅ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ ๐ญ๐๐๐ฌ ๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐๐ฌ๐ฒ๐จ ๐ง๐ ๐๐ข๐ฅ๐ข๐ก๐ข๐ง.
Kapag tumataas ang presyo ng langis, kadalasang naaapektuhan din ang pamasahe, pagkain, at kuryente. Kaya mahalagang maging praktikal sa pamimili, bumili lamang ng sapat na stock ng mga pangunahing pangangailangan at maghanap ng mas murang alternatibo sa palengke o tindahan. Kung may maliit na bakuran, maaari ring magtanim ng gulay tulad ng kangkong, talbos, o sili upang makatulong sa pang-araw-araw na pagkain.
๐. ๐๐๐ฅ๐๐ค๐๐ฌ๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฆ๐๐ฅ๐ข๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐ง๐๐ ๐จ๐ฌ๐ฒ๐จ.
Para sa mga Nanay na may sari-sari store o iba pang maliit na negosyo, mahalagang bantayan ang presyo ng mga paninda at maayos na pamahalaan ang puhunan. Iwasan muna ang labis na pag-utang sa supplier kung hindi pa sigurado ang benta. Maaari ring magdagdag ng mga produktong mabilis mabenta tulad ng bigas tingi, itlog, o gulay upang makatulong sa tuloy-tuloy na kita.
๐. ๐๐ฎ๐ฆ๐๐ฆ๐ข๐ญ ๐ง๐ ๐๐ฅ๐ญ๐๐ซ๐ง๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ ๐ฉ๐๐ฒ๐ฆ๐๐ง๐ญ ๐๐ก๐๐ง๐ง๐๐ฅ๐ฌ.
Kung nahihirapan magbayad nang personal ng hulog sa loan, maaaring gumamit ng ibang paraan ng pagbabayad tulad ng GCash o sa mga ECPay partner outlets na malapit sa inyong lugar. Para sa tamang detalye ng pagbabayad, makipag-ugnayan sa inyong ASKI Account Officer upang magabayan sa proseso.
๐. ๐๐๐ -๐ข๐ง๐ ๐๐ญ ๐ฌ๐ ๐๐๐ค๐ ๐ง๐๐ฐ๐ฌ.
Sa panahon ng krisis, maraming kumakalat na maling impormasyon. Makinig lamang sa opisyal na balita at sa mga update mula sa ASKI, at iwasang agad maniwala sa mga kumakalat sa social media upang maiwasan ang kalituhan o pangamba.
๐. ๐๐๐ ๐๐๐ฌ๐๐ฅ ๐๐ญ ๐ฉ๐๐ง๐๐ญ๐ข๐ฅ๐ข๐ก๐ข๐ง ๐๐ง๐ ๐ฉ๐๐ -๐๐ฌ๐.
Ang krisis ay pansamantala lamang. Sa pamamagitan ng pagkakaisa ng pamilya, pagtitiyaga sa negosyo, at pananalig sa Diyos, mas nagiging matatag ang bawat Nanay at ang kanyang pamilya sa pagharap sa anumang pagsubok.