ASM Non-Life Insurance Services

ASM Non-Life Insurance Services TPL, Comprehensive, Accident and More

FYIctto
19/11/2021

FYI

ctto

Ngayong araw, ika-16 ng Nobyembre 2021, sinisimulan nang ipatupad ang probisyon ng Republic Act 10930, ukol sa renewal ng lisensya, sa mga sumusunod na rehiyon:

- Region I
- Region II
- Region III
- Region IVA
- Region V



👀🧠👌

11/07/2021

Our New Office! Come Visit us Now!
2/F SJP building! Fronting LTO office.

11/07/2021

Our NEW OFFICE!😱

We Have Transferred! To SERVE YOU BETTER! 2/F SJP Building, just fronting LTO office.Come and VISIT US NOW!😁😊🤩❤️
11/07/2021

We Have Transferred! To SERVE YOU BETTER!
2/F SJP Building, just fronting LTO office.
Come and VISIT US NOW!😁😊🤩❤️

For more Info: Contact us @09985635284
01/03/2021

For more Info: Contact us @09985635284

04/02/2021

ILANG PAGLILINAW UKOL SA REPUBLIC ACT 11229 (CHILD SAFETY IN MOTOR VEHICLES ACT)

Bilang konsiderasyon sa ating mga kababayan ngayong panahon ng pandemya, at upang makapagbigay daan na rin sa isang epektibong information, education and communications (IEC) campaign na pagtutulungan ng DOTr, LTO, DOH, DTI, PIA, DepEd at ng pribadong sektor, ipinag-utos po nina DOTr Secretary Arthur Tugade at LTO Assistant Secretary Edgar Galvante na WALA PO MUNANG HULIHAN NA MANGYAYARI sa kabila ng pagpapatupad ng Republic Act 11229, o ang Child Safety in Motor Vehicles Act, na naging epektibo ngayong araw, 2 February 2021.

Magfo-focus po muna ang DOTr at LTO, kasama ang iba pang concerned agencies, sa pagpapatupad ng massive information campaign upang malinaw na maintindihan ng ating mga kababayan, lalung-lalo na ang mga mag-aaral, magulang, guardians, g**o, at law enforcers, ang mga nakapaloob sa batas, at kung anu-ano ang mga kailangang gawin upang masunod ito ng maayos.

Tandaan po sana nating lahat na maganda ang intensyon ng batas na ito na ipinasa ng Kongreso at nilagdaan ng ating Pangulo noong 2019. Layunin nito na maprotektahan ang mga kabataan habang lulan ng sasakyan sa kalsada.

Ayon po sa Department of Health (DOH) noong 2019, dalawang bata ang namamatay sa Metro Manila bawat araw dahil lamang sa mga road-related accidents. Sa katunayan, ayon pa sa DOH, road-related accidents din ang isa sa mga pangunahing dahilan ng pagkamatay ng mga kabataan.

Ayon naman sa pag-aaral ng World Health Organization, ang maayos na pagkabit at paggamit ng car seats (child restraint) ay nakapagpapababa ng risk ng pagkamatay para sa mga sanggol by 70%, at 47 to 54% naman para sa mga kabataang edad 1 hanggang 4 na taong gulang sa isang aksidente.

Ayon naman sa datos ng Philippine Statistics Authority, sa kabuuang bilang ng mga road deaths mula taong 2006 hanggang 2014, 17% o katumbas sa bilang na 12,000 ay mga kabataan mula kulang isang (1) taong gulang hanggang 19 taong gulang. Ibig sabihin nito, sa average, may 1,334 na batang namamatay dahil sa transport-related crashes sa loob ng isang taon sa bansa. Katumbas ito ng 4 hanggang 5 kabataan na namamatay bawat araw.

Magtulungan po tayo para maayos na maipatupad ang batas na ito para sa kapakanan ng ating mga anak, pamangkin, at kabuuan ng mga kabataan sa ating bayan!

Salamat po.

[Photo courtesy: YugaTech, Child Safety in Motor Vehicles Act: 5 Facts You Need to Know by Abe Olandres, February 1, 2021]

Address

Unit B-5 Tel-Off Saint Joseph Village, Pacdal
Baguio City

Opening Hours

Monday 7am - 5pm
Tuesday 7am - 5pm
Wednesday 7am - 5pm
Thursday 7am - 5pm
Friday 7am - 5pm

Telephone

+639162926003

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ASM Non-Life Insurance Services posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ASM Non-Life Insurance Services:

Share