31/03/2026
UPDATE sa BATANG NAWAWALA]
Sa latest update mula sa mga pulis, kinumpirma nila na walang record o CCTV footage na nagpapakita na sumakay si Yuki ng anumang public transport gaya ng bus o tren matapos siyang mawala.
Ang mahalagang lead sa ngayon ay ang backpack
na nahanap noong March 29, sa isang bundok sa Sonobe-cho, na may layong halos 3 kilometers mula sa kanyang school.
Nasa 40 personnel na ang dineploy ngayong March 31 para mag-search sa area kung saan nakita ang bag ng bata.
Sabi ng mga local residents, ang lokasyon kung saan nahanap ang gamit ay hindi basta-bastang pinupuntahan ng mga bata para maglaro, kaya tinitingnan din ang posibilidad na may sasakyang sangkot sa insidente.
-
Patuloy ang panawagan ng Kyoto Prefectural Police para sa anumang impormasyon na makakatulong sa paghahanap sa bata at kahit maliit na detalye ay malaking tulong sa kanila.
Kyoto Prefectural Police, Nantan Police Station
📞Phone Number: 0771-62-0110
Emergency: 📞110.
-Arisu Okada